SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Pentagon naghanda ng 1,500 sundalo para sa posibleng deployment sa Minnesota

MGA federal agents, kabilang ang ICE at US Border Patrol, nakatayo sa Portland Avenue, Minneapolis, matapos barilin at patayin ang isang babae noong 7 Enero 2026.
MGA federal agents, kabilang ang ICE at US Border Patrol, nakatayo sa Portland Avenue, Minneapolis, matapos barilin at patayin ang isang babae noong 7 Enero 2026.Larawan ng AFP.
Published on

Inihanda ng Pentagon ang halos 1,500 aktibong sundalo mula Alaska para sa posibleng deployment sa Minnesota, kung saan nagaganap ang malalaking protesta laban sa federal immigration raids, ayon sa mga opisyal. Ang mga sundalo ay kabilang sa 11th Airborne Division at sanay sa malamig na klima.

Kasunod ito ng banta ni Pangulong Donald Trump na gamitin ang Insurrection Act kung hindi mapipigilan ng lokal na pamahalaan ang mga nagpoprotesta laban sa federal immigration agents matapos ang surge ng ICE personnel.

Tumaas ang tensyon sa Minneapolis at St. Paul matapos barilin at patayin ni ICE Officer Jonathan Ross si Renee Good, 37, ina ng tatlong anak, ng isang ICE officer noong 7 Enero 2026. Ayon kay Mayor Jacob Frey, lalo lamang lalala ang sitwasyon kung ide-deploy ang sundalo, lalo’t naunang ipinadala ang 3,000 federal agents para pangasiwaan ang karamihan sa mapayapang demonstrasyon.

“Nakakagulat ang hakbang na ito. Hindi namin kailangan ng dagdag na federal agents para maging ligtas ang tao. Ligtas naman tayo,” sabi ni Frey. Sinabi rin ni Homeland Security Secretary Kristi Noem na maaaring mag-set up ng “peaceful protest zone” para sa mga demonstrador.

Target ng ICE ang Somali, Hmong, at Mexican communities. May ulat na pumasok ang federal agents sa mga tahanan at pilit na pinapaalis ang mga residente, at minsan sila ay wala sa magandang kondisyon. Isang Hmong na lalaki ay dinala na naka-shorts at kumot lamang, habang tatlong empleyado ng Mexican restaurant sa Willmar ay inaresto pagkatapos kumain ng tanghalian.

Hindi malinaw kung gagamitin ang Insurrection Act, na nagbibigay kapangyarihan sa presidente na ideploy ang sundalo o i-federalize ang National Guard. Kahit hindi ito gamitin, maaaring ideploy ang active-duty forces para protektahan ang federal property o tugunan ang civil disturbances. May opsyon din ang Pentagon na ideploy ang National Guard rapid-response units.

Kritikal ang lokal na pamahalaan, kabilang si Governor Tim Walz, sa tinatawag nilang federal overreach. Pinadala na rin ng gobernador ang National Guard para suportahan ang pulisya at protektahan ang karapatan ng mapayapang demonstrador. Libu-libo ang residente na nagpapatuloy sa kanilang karapatan sa malayang pananalita at protesta.

Ayon sa administrasyon ni Trump, layunin ng deployment na protektahan ang federal property, tugunan ang krimen, at suriin ang umano’y maling paggamit ng federal welfare funds sa Minnesota. Iniimbestigahan din ng Justice Department ang ilang insidente, kabilang ang pag-abala sa isang simbahan sa St. Paul na umano’y konektado sa ICE.

Patuloy ang tensyon habang sinusubukan ng mga awtoridad at residente na harapin ang malalaking protesta at tugon ng federal government.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph