Muntinlupa centenarians, tumanggap ng tulong na P100K



Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon announced the distribution of free back-to-school packages to Early Childhood…

The Muntinlupa City government has extended financial assistance to 33 families displaced by a fire that hit a…

Upon arriving at the scene, responding officers apprehended the suspect, identified by police as alias Adriano, a…

A 28-year-old man was arrested early Wednesday after a concerned resident reported an armed individual causing alarm in…

Nakiusap si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga kumuha ng video at nag-livestream sa loob ng Ospital ng…

NANAY Josefina Santiago
Photo from Ruffy Biazon

NANAY Emilia Tan
Photo from Ruffy Biazon
Dalawang centenarian na residente ng Muntinlupa City ang tumanggap ng tig-P100,000 na tseke mula sa pamahalaang lungsod nitong Sabado, ika-10 ng Enero.
Personal na nakipagkita si Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon sa mga benepisyaryong centenarian na sina Emilia Tan at Josefina Santiago upang ipagdiwang ang kanilang milestone.
Ang incentive ay alinsunod sa Muntinlupa City Ordinance No. 2018-147 at sa ilalim ng Republic Act 10868 o Centenarians Act of 2016.
Ibinahagi ni Biazon na si Nanay Emilia ay bedridden at may dementia, ngunit isa pa rin siyang patunay ng mahabang buhay at katatagan. Nahigitan niya ang buhay ng lima sa kanyang pitong anak.
Masaya ring ibinahagi ng alkalde na si Nanay Josefina ay may kahirapan na sa pandinig, ngunit nananatiling masigla at bibo pa rin sa pakikipagkuwentuhan.
Aniya, "Basta’t lalapit ka lang sa tenga kapag may sasabihin ka."
"Na-share pa nga niya ang kaniyang birthday wish, which is to live longer at hindi na raw maghirap pa ang lahat ng tao," dagdag ni Biazon.