Pulubing nanuntok ng senior citizen sa jeep, arestado



The Muntinlupa City government has extended financial assistance to 33 families displaced by a fire that hit a…

Upon arriving at the scene, responding officers apprehended the suspect, identified by police as alias Adriano, a…

A 28-year-old man was arrested early Wednesday after a concerned resident reported an armed individual causing alarm in…

Nakiusap si Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon sa mga kumuha ng video at nag-livestream sa loob ng Ospital ng…

Security Bank has opened its 391st branch in Muntinlupa City as it celebrates its 75th anniversary, expanding its…
Naaresto ng mga awtoridad ang lalaking nasa viral video na nakuhang nag-amok sa loob ng isang jeep.
Sa video, makikita ang sunod-sunod na suntok nito sa isang senior citizen na lalaki. Nang depensahan ng lolo ang sarili at palabasin ang suspek sa jeep, nanlaban pa ito at binanatan din ng suntok at tadyak ang isa pang pasahero.
Rinig din sa video ang pagmamakaawa ng ilang pasahero, kasabay ng iyak at takot ng mga kababaihan sa loob ng sasakyan.
"Tama na boy, tama na," sabi ng isang lalaking pasahero.
Nahaharap ngayon sa kasong physical injury ang suspek matapos itong maaresto ng Muntinlupa City Police.
Ayon naman kay Muntinlupa Mayor Ruffy Biazon, tila karaniwan na ang mga ganitong eksena sa naturang lugar sa pagitan ng mga pulubi at ilang pasahero.
“Ang nakuha ko lang nga e sumakay nga doon sa passenger jeep at 'yung typical na nanghihingi, nanghaharass pag 'di mo nabigyan. I think it escalated doon kasi high on substance, substance abuse,” saad ng alkalde.
“In the past, sila ay ma-aaprehend pero there is not much na magamit para sila ay ma-contain. Usually, nababalik lang sa community, so community work ang paiigtingin namin ngayon,” dagdag pa niya.