

Umabot na sa 464 ang bilang ng mga pasyenteng nabigyan ng serbisyong medikal ng Philippine Red Cross (PRC) Safety Services hanggang alas-dose ng tanghali, kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan ng Poong Hesus Nazareno.
Ayon sa PRC, sampu sa mga pasyente ang nagtamo ng malubhang pinsala gaya ng malalalim na sugat at puncture wounds, habang 13 naman ang kinailangang isugod sa ospital.
Samantala, halos 700 katao ang nagtamo ng minor at major injuries batay sa tala ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office.