
INTERES sa mga hindi nabayarang kontribusyon mula 2013 hanggang 2024 ay pansamantalang iwinaive sa ilalim ng one-time amnesty program.
Daily Tribune images.
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Nagbigay ng amnestiya si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga negosyante, pribadong employer, at mga self-employed na miyembro ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) para sa pagbabayad ng kanilang hindi nabayarang kontribusyon nang walang kaakibat na interes ngayong taon.
Sa kanyang anunsyo, sinabi ng Pangulo na batid niya ang bigat ng tatlong percent na interes na ipinapataw sa mga hindi nabayarang kontribusyon sa PhilHealth. Dahil dito, inatasan niya ang ahensya na magpatupad ng isang beses na waiver ng interes para sa mga miyembrong may pagkakautang.
Saklaw ng amnestiya ang mga hindi nabayarang kontribusyon mula 2013 hanggang 2024, at inaasahang makikinabang dito ang mahigit 300,000 miyembro ng PhilHealth.
Kasabay nito, hinikayat ng Pangulo ang mga employer na i-update ang kanilang mga rekord at tiyaking rehistrado ang lahat ng empleyado sa Yaman ng Kalusugan o YAKAP Program ng PhilHealth.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…