Atong Ang patong-patong na kaso ang haharapin – DoJ


Inihayag ng Department of Justice (DoJ) nitong Huwebes na mas marami pang kaso ang maaaring isampa laban sa mga sangkot sa kaso ng nawawalang "sabungero," kabilang ang negosyanteng si Charlie "Atong" Ang.
Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, maaaring magsagawa ng isa pang preliminary investigation sa kahit isa man lang kaso na nakabinbin na sa Manila Regional Trial Court na may kinalaman sa mga insidente sa Manila Arena.
“Pwede pa siyang masama doon, kaya lang kailangan magkaroon muna ng preliminary investigation at malaman talagang merong ebidensya patungkol sa kanya na magiging basehan para siya ay masama doon sa kaso,” paliwanag ni Fadullon.
Nilinaw din ni Fadullon na makukumpleto sa susunod na linggo ang paghahain ng criminal informations kaugnay ng 26 na bilang ng kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention.
Dagdag niya, walang inirerekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng mga taong pinangalanan sa mga kasong iyon.
"Ang mga Information ay kasalukuyang inihahanda dahil may marami-rami pa ring informations na kailangang isampa sa iba't ibang hukuman. Ito ay isasampa sa iba't ibang hurisdiksyon. Ito ay nasa Batangas, Laguna, at mayroon ding sa Parañaque," saad ni Fadullon.
Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…