Isang bodega sa Marikina, nasunog


Sumiklab ang sunog sa isang bodega sa Barangay Malanday, Marikina City umaga nitong Miyerkules.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), natanggap nila ang report dakong alas-11:20 ng umaga at umabot na ito sa ikatlong alarma alas-11:52 ng umaga.
Nasa 10 firetruck at isang ambulansya naman ang rumesponde sa pinangyarihan ng insidente.
Ang nasunog na bodega ay sinasabing imbakan ng mga plastic materials kaya ito nagdulot ng maitim at makapal na usok sa lugar.
Dahil sa insidente, nagsuspinde ng klase ang malapit na eskwelahan sa lugar dahil apektado ito ng makapal na usok na maaaring makasasama sa mga taong nasa loob.
Buddies, associates? One happy family?
A traditional dish called zongzi is served during China’s Dragon Boat Festival, which falls in June. It is a rice…
Divina credited the firm’s achievements to its members, thanking them for their ‘hard work, dedication, teamwork, and…
‘Sec. Vince Dizon, please explain how this finding of your own team should not be flagged as a ghost project in Taguig.’