
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nagkaroon na mga ride hailing app, habal-habal, e-trike, EDSA bus, mga modernong jeepney at nadagdagan na rin ang mga bagon ng LRT, pero naririyan pa rin ang mga taxi driver. At dahil namamasada pa rin sila, naririyan pa rin ang mga walang-kamatayang taxi driver na namimili ng pasaherong isasakay nila. Mas kilala sila bilang isnaberong taxi dahil hindi nila pasasakayin ang pasahero kung di nila type.
Sari-sari ang katwiran ng mga isnaberong taxi driver na daig pa ang mga makapili noong panahon ng Hapon. Kesyo matrapik raw sa lugar ng pumaparang pasahero at malulugi sila ng kita. Kesyo pagarahe na raw sila at hindi dadaan sa pupuntahan ng pasahero.
Hindi rin magsasakay ang makapiling taxi driver kung ayaw sa areglong pasahe ng sumasakay at ang gusto ay batay sa metro ang ibabayad.
Mayroon ding hindi hihinto at derederechong taxi driver para magsundo o service ng kanilang kliyente.
Wala pang sasakyang pinapara sa pamamagitan ng ride hailing app sa cellphone, habal-habal, e-trike, EDSA bus, at mga modernong jeepney ay perwisyo na ang mga isnaberong taxi driver lalo na sa panahon ng Kapaskuhan kung kailan talamak ang modus nila at sinasamantala ang areglong pasahe sa mga nagmamadaling umuwi. Tinugunan ito ng LTFRB sa pamamagitan ng pag-udyok sa mga pasaherong nabiktima ng isnaberong taxi driver na magsampa ng reklamo laban sa kanila. Subalit wa epek ito dahil walang panahon ang mga biktima na mag-aksaya ng oras sa paglilitis na isinasagawa ng LTFRB.
Isang abogado ang nagmungkahi ngayon na palawigin ang ruta ng mga tradisyunal na taxi at payagan silang magserbisyo sa labas ng Metro Manila tulad ng Calabarzon. Ikinatwiran ng abogado na isang reklamo ng mga makapili na nag-aagawan sila sa pasahero sa Metro Manila.
Mukhang hindi malulutas ng ganitong suwestyon ang problema sa mga makapiling taxi driver. Walang taxi driver na taga-Metro Manila ang maghahatid ng pasahero sa labas ng metropolis lalo na sa mga alanganing oras. Subok na sila sa ganyan.
Ngayon, sino ang matalinong may magandang solusyon upang mawala na ang mga makapiling taxi driver?