Pagpauwi ng mga labi ng OFW mula UAE inaasikaso



Tinawag ni Senador Panfilo "Ping" Lacson noong Huwebes, 13 August, na mas masahol na bersyon ng pork barrel system ang…

Naglabas na ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa isang aktor at businessman na nahuling…
Isang guro ang dinukot sa bayan ng Maguing, Lanao del Sur.

Arestado ang isang 23-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Mariveles Municipal Police Station sa…

Hindi napigilan ni Lead Defense Counsel Sheila Sison na punahin ang umano'y "nakababahalang" post ni Private Prosecutor…
Inanunsyo ng Department of Migrant Workers na inaasikaso na ng ahensya ang repatriation o pagpapauwi sa mga labi ng 3 oveseas Filipino workers na nasawi sa matinding pagbaha sa United Arab Emirates.
Ayon sa DMW, nakikipag-ugnayan na ito sa Overseas Workers Welfare Administration upang iparating sa kamag-anak ng mga nasawing OFWs ang balita at ipinaliwanag ang kinakailangang procedures para sa repatriation ng mga labi pauwi ng Pilipinas.
Kung matatandaan, sinabi ni DMW officer-in-charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na nasawi ang dalawang Pinay worker dahil sa suffocation matapos matrap sa kanilang sasakyan sa kasagsagan ng baha noong Miyerkules.
Ang ikatlong biktimang Pinoy worker naman ay nasawi ay dahil sa tinamo nitong major injuries nang mahulog sa sinkhole ang kaniyang sasakyan. Ang dalawang kasamahan nitong OFWs naman nang mangyari ang insidente ay nagtamo ng injuries at nagpapagaling na.
Nabisita na rin ng MWO-Dubai officers at nakausap ang mga nasugatang OFWs habang nasa ospital.