
Department of Foreign Affairs
(File photo)
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inihayag ng Department of Foreign Affairs nitong Linggo na dumating na sa bansa ang siyam na Pilipinong tripulante ng isang oil tanker na nasamsam ng hukbong-dagat ng Iran sa Gulf of Oman.
Sinabi ng isa sa mga tripulante na kinilalang si Lord Rangasajo, nagkaroon sila ng positibong pakikipag-ugnayan sa mga Iranian at maayos umano ang pakikiharap ng mga Iranian sa kanila at wala silang naging problema.
Binanggit din niya na hindi sila hinarass.
Ayon naman sa DFA, may dalawa pa ang inaasahang babalik sa Pilipinas ngayong linggo habang ang natitirang anim ay naghihintay pa ng mga kapalit bago bumalik sa Pilipinas.
Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration na handa silang magbigay ng psychocounseling sa mga darating na seafarer, kasama ang financial assistance accommodation, at air fare kung kailangan nilang bumalik sa kanilang mga probinsya.
Kung matatandaan, nasa ilalim ng kustodiya ng Iran ang mga tripulanteng pinoy kasunod ng pag-agaw ng Iranian Navy sa oil tanker na St. Nikolas sa Gulf of Oman noong Enero.
Ang aksyon ng Iran ay isang ganting tugon sa pagkumpiska ng Iranian crude oil mula sa parehong sasakyang-dagat ng US forces noong 2023.
Sa ibang balita, tumalima naman ang nasa 153,651 na dayuhan sa kanilang mandatory registration sa Bureau of Immigration sa loob ng unang 60 araw ng taong ito kumpara sa 136,065 na nakarehistro sa parehong panahon noong 2023.
Ayon kay BI commissioner Norman Tansingco, ito ay isang positibong senyales na parami nang parami ang mga dayuhan na nag-a-apply para manirahan sa Pilipinas, hindi tulad noong panahon ng Covid-19 pandemic na kakaunti lang ang mga dayuhan na bumisita sa bansa.
Sa ilalim ng Alien Registration Act of 1950, ang mga dayuhang nakarehistro sa BI ay kinakailangang gumawa ng annual report sa loob ng unang 60 araw ng bawat taon.
Ayon sa BI, ang immigrants ay permanenteng residente ng Pilipinas habang ang mga non-immigrants naman yung mga pansamantalang residente tulad nalamang ng mga dayuhang manggagawa, expatriates at mga estudyante.
Nanguna ang mga Chinese national sa listahan ng mga nagparehistro na may 49,556 noong 2024, sabi ng BI.
Mayroong 26,123 na Indian; 11,671 Vietnamese; 10,912 Amerikano; 7,800 Taiwanese; 6,448 South Koreans; 6,019 na Indonesian; 5,214 Hapon; 3,392 Briton; at 2,804 Malaysians.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…