
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Inanunsyo ng Mines and Geosciences Bureau-Region VI (MGB-6) nitong Huwebes na kailangan na umanong mag-ingat ng mga residente sa isla ng Boracay dahil sa nadiskubreng mahigit 800 na sinkhole sa isla.
Sinabi ni MGB 6 chief Engr. Mae Magarzo, posibleng lumubog ang mga gusali sa pagguho ng lupa dahil sa mga naturang sinkhole.
"Kung sobrang bigat ng structure, nag-a-add ng weight, plus the fact na natutunaw 'yung ilalim. Only time can tell kung kailan siya guguho," saad ni Magarzo at dagdag niya, ang sinkholes ay land depressions na nabubuo kapag natatanggal ang suporta sa ilalim dahil sa lindol o dahil sa pagbaba ng tubig sa lupa.
Napag-alaman na ang kabuuan ng Boracay ay limestone.
"Ang chemical composition ng limestone is calcium carbonate. When it comes in contact with acid, unti-unti siyang matutunaw. Basta may water, lalo na acid rain… That is why we want the carrying capacity of Boracay observed. As you could see in our geo-hazard map, almost all of the island is highly susceptible," ani Magarzo sa panayam sa telepono.
Sa isinagawang Karst Subsidence Hazard Mapping noong 2018, natukoy sa Boracay ang 789 sinkholes; 801 noong 2019; 814 noong 2020, at 815 mula 2021 to 2022.
Nakakalat umano ang mga sinkhole na ito sa tatlong barangay sa isla ng Boracay.
Kung matatandaan, nanindigan ang Department of Tourism na kailangang sundin ang mga eksperto sa itinakdang carrying capacity ng Boracay para maprotektahan ang isla sa over-tourism.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…