
Nasa red alert ang Visayas at Mindanao Grid dahil sa mga power outage na dulot ng pagkapalya ng ilang planta sa ilalim…

Nais ipasiyasat ni Rodriguez (Montalban), Rizal Mayor Ronnie Evangelista ang mga flood control project sa kanyang…

Patuloy ang pamamayagpag ni Filipina tennis star Alex Eala matapos durugin si Mary Stoiana, 6-1, 6-2, sa unang round ng…

Nagkaroon ng panic buying sa ilang bahagi ng Tarlac City matapos gumuho ang Aquino at Agana bridges, na nagputol sa…

Umarangkada na ang halos P4 rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo, batay sa inanunsyo ng mga kumpanya ng langis.
Ginahasa saka pinagsasaksak hanggang mawakwak ang tiyan.
Ganito ang karumal-dumal na sinapit ng isang grade 12 student sa kamay ng kanyang manliligaw na binasted nitong Linggo sa Cainta, Rizal.
Kinilala ang biktima si Christine Avila (16), Grade-12 student sa Arellano University sa Pasig City na residente sa Taytay, Rizal.
Nasa kustodiya na rin naman ng pulisya ang suspek na kinilalang si Khalid Sarip, tindero, na residente rin ng lugar.
Sa ulat ng Cainta Police, alas-siyete ng umaga nang mangyari ang insidente sa apartment na inuupahan ng biktima.
Bago ang insidente ay nagtungo umano ang biktima sa kanyang kaibigan sa Cainta kung saan ay dumating rin ang suspek.
Sa salaysay ng mga kapitbahay, nakita na lamang nila ang isang babae at lalaki na lumabas ng bahay hanggang sa narinig na lamang nila na umiiyak ang biktima at sinabing huwag siyang papatayin kung saan ay kasalukuyan na palang ginagahasa noon ang biktima.
Ilang sandali pa ay lumabas na ng apartment ang suspek na puno ng dugo ang kamay at hawak ang kutsilyo at, nang makitang may mga nakatingin sa kanyang tao, ay mabilis na tumakas at kumaripas ng takbo.
Sa pagsisiyasat ng operatiba ay nakitang nakahubad at labas na ang bituka ng biktima. Basag din ang mga ngipin nito na marahil ay dahil sa malakas na hampas sa mukha.
Kasong panggagahasa at pagpatay ang kinakaharap ng suspek.