
Inabot na naman ng bashing ang aktres na si Alexa Ilacad nang ideny nitong mag-boyfriend na sila ng aktor na si KD Estrada at kahit nakiusap ang dalaga sa mga fans at social media supporters nila ni KD na tigilan na ang pagpapakalat ng balita na official na ang kanilang pagiging magdyowa dahil wala naman talaga itong katotohanan, hindi pa rin nag-paawat ang mga bashers.
Nitong nakaraan kasi, ipinagdiinan ni Alexa na hindi pa niya sinasagot ang kanyang ka-loveteam at onscreen partner. Pero inamin nga niya ang tunay na "status" at "label" ng kanilang relasyon.
Nagsimula ito nang mabanggit ni Alexa sa kanyang YouTube vlog na hanggang ngayon daw ay wala pa rin siyang boyfriend.
"So wala pa naman po akong boyfriend. But I think obvious naman na, luma-lovelife na tayo ngayon. But wala pa po. Coming soon, abangan," saad ng dalaga.
Isang netizen ang nagkomento rito at pinalalabas nga na parang nagsisinungaling si Alexa at itinatago lang ang relasyon nila ni KD.
"Talaga ba? Wala ka pang boyfriend? Mameteyyyyyyy?"
"Cge ka baka magtampo si kiddy. Baka ang nag iisang boyfriend mo mawawala…… Wag naman sana," ang sabi ng netizen.
Sinagot naman siya ni Alexa at sinabi ngang "exclusively dating" pa lang sila ni KD at hindi pa sila official na mag-boyfriend.
"Please, enough about this. Pagod na po akong ipaintindi sa inyo kung ano ibig sabihin ng exclusively dating. Gusto niyong aaminin ko na kami na, eh sa hindi pa nga po talaga. But KD and I have an understanding with each other and we are both secured. It's really not that deep. And please, enough with threatening me na iiwan ako. Lagi na lang," dagdag pang paliwanag ni Alexa.