Heaven Peralejo, may serye

May bagong serye ngayon ang aktres na si Heaven Peralejo kung saan makakasama niya ang dating "Pinoy Big Brother" teen housemate na si Marco Gallo at Heaven Peralejo — ang 10-part series na "The Rain in España" directed by Theodore Boborol under Viva Entertainment.
Ito ang unang pagkakataon na magiging magka-loveteam sina Marco at Heaven makalipas ang anim na taon pagkalabas nila ng Bahay ni Kuya.
Ayon sa dalawa, hindi umano nawala ang kanilang connection kaya naman nang malaman nila na sila ang bibida sa sikat na Wattpad series na "The Rain in España" pareho silang na-excite.
"I'm super grateful that I am given this kind of project that will really challenge my being an actress, which I love. I feel like every role that I take is really different. I'm really grateful to the team behind this who really chose me to be included in this project. I am just really doing my best," sabi ni Heaven.
Ang phenomenal University Series sa Wattpad, na mayroong 550 million combined reads, ay mapapabilang na sa mga sikat na book-to-screen adaptations mula sa Viva.
Mula sa panulat ni Gwy Saludes (mas kilala bilang 4reuminct), ang seryeng ito ay binubuo ng anim na love story na nagsimula sa mga pangunahing unibersidad sa Pilipinas.
Ang "The Rain in España" ay iikot sa pag-iibigan ng isang taga-UST at isang Atenista. Ang romantic comedy series na ito ay magkakaroon ng 10 episodes.
Si Heaven ay gaganap bilang si Louisse Natasha Valeria, or Luna for short. Kumukuha siya ng Architecture sa UST.
Masayahin kung titignan pero seryoso ito sa kanyang pag-aaral. Maalalahanin ito sa mga kaibigan, pero isang lalaki ang pupukaw ng puso niya.
Si Marco naman ay si Kalix Jace Martinez, kumukuha ng Legal Management sa Ateneo. Gwapo, mayaman at matalino, pero may pagka-misteryoso.
Alam niyang pagdodoktor ang gusto ng kanyang ina para sa kanya, kaya nakakadagdag pa ito sa mga stress niya sa eskwela. At darating pa nga si Luna na talagang magpapapansin sa kanya.
