
Kumpirmadong nagdadalantaong muli ang aktres na si Isabelle Daza sa ikatlong baby nila ng asawang si Adrien Semblat at sa kanyang IG, ibinahagi ng aktres ang kanyang kasiyahan sa pamamagitan ng isang meme.
Makikita sa photo na ibinahagi ng anak ni Gloria Diaz sa IG ang kanyang Adult Size Influencer Costume na may caption na, "Baby #3."
Ilan sa mga nakasulat sa pasabog na "Halloween costume" at "pregnancy influencer" post ni Isabelle ay ang mga katagang "baby bump,", "ultrasound announcement photo", "apple watch", "athleisure leggings", at "We're pregnant! Pinterest sign"
Sunud-sunod na mensahe naman ang natanggap nina Isabelle at Adrien mula sa mga netizens at kaibigan nilang celebrities matapos ang pregnancy reveal ng aktres.
"Wowowow congratulations!!!" mensahe ni Elisse Joson.
Sey ni Bianca Gonzales, "OMG! Jellytime baby?? Congratulations Belle and Adrien!!!"
"OMGGGGGG WOW!!!! Congratulations Belleeeeeeee!" post ni Tim Yap.
Pagbati naman ni Iya Villania, "Love it Belle. Congratulations again Semblats!!!!"
Mensahe ni Ruffa Gutierrez, "Congratulations, beautiful sexy momma Belle!!"
Comment ni Yam Concepcion, "Omg wow belle!! Congratulations!"
"OMG! Congrats Belle!" sey naman ng pregnant wife ni Luis Manzano na si Jessy Mendiola.
Message ni Iza Calzado na nagdadalang-tao rin ngayon, "Ayan naaaa!!!! So soooo happy!!!"
Isinilang ni Isabelle ang panganay nila ni Adrien na si Balthazar noong March, 2018 habang ang second child naman nilang si Valentin ay ipinanganak noong April, 2021.