Yasmien Kurdi, nagkamali ng pasok

May kuwento pala ang aktres na si Yasmien Kurdi kaugnay sa isang karanasan niya bago pa man niya nakasama ang aktres na si Bea Alonzo sa bagong primetime series ng GMA 7 na "Start-Up PH" na magsisimula na sa Lunes.
Aminado si Yasmien na dream come true para sa kanya ang makatrabaho si Bea at nagpapasalamat siya sa GMA 7 dahil siya ang napili na makasama ng dating Kapamilya actress at ni Alden Richards sa Pinoy adaptation ng hit Korean series na "Start-Up PH".
"Happy din ako dahil nakatrabaho ko ngayon, at first time ni Bea dito sa GMA," sabi ni Yasmien. "Lagi nilang sinasabi kasi na magkamukha daw kami ni Bea. Even before pa noong nasa ABS-CBN siya. Marami pa nga akong stories, e. Like kunwari, di ba ikinuwento ko 'yun, pumunta ako one-time sa… there was this shooting sa Baseco, tapos mayroon silang set doon, parang soap nila ni John Lloyd (Cruz). Then, nagsu-shoot din kami doon ng Bakekang, tapos akala ko GMA lang 'yung nagte-taping doon sa show. Tapos, pumasok na ako sa loob ng tent, nag-set up na ako, lahat-lahat, natulog na ko, ganoon."
"Tapos nilapitan ako ng PA, 'Ah Miss Yas, hindi po kayo dito' 'Ha bakit, may taping kami?' 'Set po ito nila Bea Alonzo,'" dagdag pa niya.
"Pero hindi ko naisip na one day makakatrabaho kami dahil nga we're from two different worlds–doon siya sa kabila, and nandito ako. "Ito, ito na 'yung time na hinihingi ng mga fans na sana maging magkapatid kami in a show," sabi ni Yasmien.
