Tama bang sisihin ang mga magsasaka?

Parang nagpapatawa ang ilang taga-gobynerno sa pagsasabing kasalanan ng mga magsasaka kung bakit nagkaroon ng oversupply ng gulay kaya ito ay nabulok dahil hindi maibenta sa merkado.

Parang nagpapatawa ang ilang taga-gobynerno sa pagsasabing kasalanan ng mga magsasaka kung bakit nagkaroon ng oversupply ng gulay kaya ito ay nabulok dahil hindi maibenta sa merkado.
Katuwa naman itong si Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban na siyang sumisi sa mga magsasaka kung bakit nagkaroon ng sobrang supply ng garlic at cabbage, dahil hindi man lamang daw kinunsidera kung saan nila ibebenta ang kanilang ani.
Wow, okay ka rin Usec. naisip mo pa yun imbes na bigyan mo sila ng solusyon para makabawi an gating farmers sa pagkalugi ay sisihin mo pa sila.
Tama lamang ang sinabi nitong si Agot Balanoy, spokesperson ng League of Associations LA Trinidad Vegetable Trading Area, na huwag sisihin ang mga magsasaka sa lack of crop programming since it is government that should take the lead.
Sinabi nitong si Balanoy sa panayam sa kanya sa telebisyon na ang mga magsasaka ay hindi laging alam kung ano ang dapat naitanim sa iba't ibang munisipalidad ng bansa.
"Yung nangyayari kasi na oversupply totoo na walang programming dito pero I don't think kasalanan yun ng farmer, yung sasabihin na dapat sila ang nag-iisip kung ano ang itatanim para hindi magkakaroon ng oversupply o undersupply," ang sabi nito.
Dagdag pa ni Balanoy, ang farmers ay individual farmers yan at ang itinanim nila sa munisipyo ay hindi niya alam kung ano naman ang itinanim ng kapares niya sa ibang lugar.
Wala umanong kaalaman ang mga ito kung anong particular na gulay ang itinanim sa iba't ibangmunisipyo sa bansa kaya't hindi sila dapat sisihin.
Ang dapat talagang gawin ng Department of Agriculture (DA) ay pangunahan ang crop programming sa iba't ibang munisipalidad at huwag isisi sa mga magsasaka ang nangyayari.
Ang sabi ni Balanoy kailangan talaga ng crop programming at hindi nila puwedeng sabihin sa magtatanim na gawin nila ito ng sarili nila dapat silang pangunahan ng DA dahil iyan naman dapat ang gawin ng departamentong ito.
Naturingan tayong producer ng pananim pero hindi ata scientific ang approach at itong DA, tila nakaupo lamang sa kanilang airconditioned na mga opisina sa halip na lumibot sa mga lugar kung saan nagtatanim ang ating mga magsasaka.
Kasi kung meron malinaw na programa ang DA maiiwasan ang oversupply ng kanilang produce at hindi malulugi ang ating mga magsasaka.