Rhian Ramos, may ayaw sa lalaki



Ibinasura ng Sandiganbayan Second Division ang mosyon ng prosecution na alisin si dating Department of Public Works and…
Nagpaabot ng pagbati ang Senado ng Pilipinas sa Filipino tennis sensation na si Alexandra “Alex” Eala nitong Martes,…

Naudlot man dahil sa masamang panahon ang labanan ng Mubadala DC Open Finals, tuluyan namang isinulat ni ngayo’y World…

Patuloy na binabantayan ang dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Nasawi ang mag-asawang senior citizen sa Quezon City matapos ma-trap sa kanilang nasusunog na tahanan gabi ng ikalawa…
Nitong nag-guest ang aktres na si Rhian Ramos sa "The Boobay and Tekla Show" sa GMA 7, marami ang naging rebelasyon ng dalaga kaugnay sa kanyang showbiz career at personal life.
Sa nasabing programa, hindi inatrasan ni Rhian ang mga tanong at talagang sinagot niya ang mga bagay na hindi pa alam ng publiko tungkol sa kanya at ang isa sa mga tanong na sinagot niya ay kung ano pinandidirihan niya sa lalaki.
"Ang totoo diyan, ayaw ko ng mahabang kuko," sabi ni Rhian. "Matindi 'yung imagination ko so kapag nakakakita ako ng mahabang kuko sa lalaki lalo na kung isa lang…naiisip ko na 'yung purpose no'n. Tapos nai-imagine ko na lagi."
Inihayag rin ng dalaga na mayroon siyang tattoo na scorpion sa hita.
"'Yung scorpion kasi may ibig sabihin 'yun para sa Kalinga tribe na para bang deadly ka kapag meron kang scorpion. Gusto ko 'yung vibe na 'yon, gusto ko deadly ako," sabi ni Rhian.