Thursday, 27 August 2026
Nasdaq +1.09%
Subscribe NowSupport Us

Daily Tribune

Daily Tribune
Subscribe
Thursday, 27 August 2026
  • News
  • Opinion
  • Business
  • Life
  • Show
  • Sports
  • Global Goals
  • Obituary
Partner feature

The Philippines' leading digital newspaper.

News
  • Headlines
  • Page three
  • Metro
  • Nation
  • World
  • Dyaryo Tirada
  • SONATOTOO (archive)
Opinion
  • All columnists
  • Editorials
  • Guest essays
  • Letters to the Editor
  • Scuttlebutt
Business
  • Shipping
  • Portraits
  • Pep
  • Business Advisories
  • Technology (Tech Talks)
Life
  • Show
  • Food & Drink
  • Getaways
  • Arts & Culture
  • Social Set
  • Spaces
  • Fashion & Beauty
  • The Edit
  • Top Form
  • Next Gen
  • Sacred Space
  • Project Larawan
  • Snaps
Sports
  • Hoops
  • Volley
  • Golf
  • Goal
  • Boxing
  • Tennis
  • Esports
  • Blast

Company

  • SONATOTOO archive
  • About
  • Contact
  • Advertise
  • Privacy
  • Subscribe
  • Support Us

© 2026 Daily Tribune · tribune.net.ph · Powered by Quintype

DYARYO TIRADA

Tarriela kay Pulong: Pro-China ka ba?

MC

Marie Cris Estrada·6 August 2026, 9:05 am·1 MIN READ

Tarriela kay Pulong: Pro-China ka ba?

PCG spokesperson Jay Tarriela rejects China’s diplomatic protest over his social media posts, saying there is no need to explain or apologize, as tensions persist in the West Philippine Sea.

Photo by John Carlo Magallon for DAILY TRIBUNE

Text size

Share

Partner feature

Stay informed

Get Daily Tribune in your inbox

Breaking news, opinion, and business coverage for readers in the Philippines and abroad.

Subscribe to the newsletter

Read next

Alex Gonzaga nanganak na

Alex Gonzaga nanganak na

What's your take?

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google

Continue reading

  • Fyang Smith tinilian sa Star Magic All-Star Games
    Fyang Smith tinilian sa Star Magic All-Star Games
  • Ronie Palermo, ‘Bembang King’
    Ronie Palermo, ‘Bembang King’
  • Bebot huli sa extortion raket para maging bumbero ng BFP
    Bebot huli sa extortion raket para maging bumbero ng BFP
Partner feature
Partner feature
Partner feature

Suggested Articles

Xian Gaza rumesbak kay Cong. San Fernando
DYARYO TIRADA

Xian Gaza rumesbak kay Cong. San Fernando

Niresbakan ng tinaguriang "Pambansang Marites" Christian “Xian” Gaza si Kamanggagawa party-list Rep. Eli San Fernando…

James Pacala·26 August 2026


Green GSM driver, bayani sa isang biyahe
DYARYO TIRADA

Green GSM driver, bayani sa isang biyahe

Isang drayber ng Green GSM taxi ang naging bayani matapos nitong ligtas na maihatid ang isang pasaherong inatake ng…

Michael Pingol·25 August 2026

Malacañang, bukas sa pag-ban ng Facebook
DYARYO TIRADA

Malacañang, bukas sa pag-ban ng Facebook

Positibo ang Malacañang Palace sa rekomendasyon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na i-ban ang…

Abegail Esquierda·25 August 2026

Mayora sa Bulacan sinumbatan taumbayan; nanduro ng konsehal
DYARYO TIRADA

Mayora sa Bulacan sinumbatan taumbayan; nanduro ng konsehal

Sumbat ang sagot ni San Jose del Monte Bulacan Mayor Rida Robes sa mga manonood ng isang basketball game matapos…

Marie Cris Estrada·25 August 2026


Pusang may 29 na daliri, nasungkit ang Guinness World Record
DYARYO TIRADA

Pusang may 29 na daliri, nasungkit ang Guinness World Record

Nasungkit ng isang pusa mula sa Kaukauna, Wisconsin, USA ang Guinness World Record para sa pusang may pinakamaraming…

Abegail Esquierda·24 August 2026

  • Hindi nagpatalo si Philippine Coast Guard (PCG) Spokeperson for West Philippine Sea Jay Tarriela sa pahayag ni Congressman Paolo "Pulong" Duterte na huwag daw nitong "i-demonize" ang Tsina.

    Rason ni Pulong, puro pasaring at media interviews si Tarriela ukol sa panggigipit ng Tsina sa Philippine navy sa pinag-aagawang teritoryo kaysa idaan ito sa diplomacy at maayos na paraan.

    Nagulantang naman ang PCG official dahil mukhang dumepensa pa ang kongresista sa panig ng Tsina kaysa Pinas.

    Sambit niya, "Honorable Paolo Duterte, grabe naman ang haba ng post mo, at parang may personal kang galit sa akin. Bakit ako ang kinagagalitan mo, gayong China ang nangigipit sa mga Pilipino. Parang magkakampi pa kayo — pareho kayo ng linyahan. Pro-China ka ba, Sir?."

    Sumagot din si Tarriela sa akusasyon ni Pulong na baka hindi ito nag-aaral ng mabuti sa Philippine Military Academy (PMA) dahil hindi nito hinahawakan nang maayos ang isyu.

    "PMA issue? Hindi ka pa ba naka-move on diyan? Kung pag-aaral ang gagawin nating sukatan, mukha namang mas maayos ang academic credentials ko ngayon kumpara sa issue mo," saad niya.

    Giit din ng tagapagsalita, mayroon namang sapat na diplomatic engagements ang bansa sa Tsina at mayroon pa ngang embahada at consulate offices ito rito, tanda na nagkakaroon naman ng maayos na komunikasyon sa pagitan ng mga bansa.

    Naninidigan din si Tarriela na kailanman ay hindi nito binabahiran ng masama ang imahe ng Tsina kundi sila mismo ang hindi rumirespeto sa resulta ng UNCLOS at 2016 Arbitral Award.

    "Huwag kang malito: China ang may sariling interpretasyon ng mga insidente, ng UNCLOS, at ng 2016 Arbitral Award — hindi ako. Ang ginagawa ko lang ay ilahad sa publiko ang totoong nangyayari sa WPS," sabi niya.

    "O baka ang gusto mo ay manahimik tayo habang hina-harass tayo ng China? Ang pananahimik sa harap ng agresyon ay hindi diplomacy — defeatist mindset iyan na wala na tayong magagawa," diin niya.

    Paghihimay rin ng tagapagsalita, kung tunay na concerned daw si Pulong sa mga Pilipinong sundalo, coast guard, at mangingisda, bakit hindi raw ito nagsalita tuwing may karahasan na nangyayari.

    Buwelta pa lalo ni Tarriela, pumasok na lang daw si Pulong sa Kongreso at gawin ang trabaho niya imbes na magkalat ng maling impormasyon.

    "Huwag kang magkalat ng fake news, Honorable Congressman ka pa naman. Walang 10 million akong “ayuda.” Pero kumusta naman ang P51 billion na binanggit ni Usec Cabral noong nakaraang taon? Naubos na ba?" tanong nito.

    Also read

    Robin Padilla, umalma sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea
    DYARYO TIRADA

    Robin Padilla, umalma sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea

    Sa isang post sa social media, kinondena ng senador ang kamakailang kaguluhang kinasangkutan ng Chinese Coast Guard at mga tauhan ng…

    James Pacala·21 July 2026