'Kahihiyan': Ramon Tulfo, binawi ang pahayag ukol sa kalayaan ni Romualdez sa bilangguan

Inamin ni Ramon Tulfo na mali ang kanyang naunang pahayag na nakalalabas-pasok umano ang dating House Speaker Martin Romualdez, na kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Jail.
Sa isang pahayag na inilabas online nitong Huwebes, Nobyembre 5, inako ng beteranong mamamahayag ang kanyang pagkakamali at tinawag itong isang malaking kahihiyan.
"One of the most embarrassing and humiliating experiences as a journalist is to admit that nakuryente ako," aniya.
"Nakuryente means I was fed the wrong information and accepted it as gospel truth," paliwanag ni Tulfo, sabay aming nagkamali siya sa hindi pag-verify ng impormasyon bago ito inilabas.
"I was fed the wrong report that former speaker Martin Romualdez could go in and out of jail. Complete with all the details like riding in an ambulance and the brownouts taking place so he would not be seen going out and coming back in," saad pa niya.
"No such thing happened when the facts started coming in yesterday.
It was fiction.
I goofed.
No excuses."
Ayon sa alegasyon, inilalabas umano ang dating House Speaker sakay ng ambulansya tuwing may brownout upang makalabas nang hindi na-rerecord ng CCTV.
Mariin namang itinanggi ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang nasabing alegasyon. Naglabas naman ng CCTV footage ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng kuha ni Romualdez noong Nobyembre 4 na binabantayan ng isang pulis sa loob ng detention facility.
Samantala, iniutos pa rin ng Sandiganbayan Third Division sa BJMP na magsumite ng isang nakanotaryong ulat at suriin ang mga CCTV footage kaugnay ng kinaroroonan ni Romualdez, kasama ang iba pang dokumento gaya ng mga logbook ng sasakyan, record ng power interruption, medical records, at mga taong maaaring lumapit kay Romualdez. Pinagharap din ang BJMP sa pagdinig sa Huwebes para sa paglilinaw ng kasalukuyang estado ni Romualdez.





