NBDB at DBM, nagkaisa para sa Book Exhibit at Selling Activity



CAGAYAN DE ORO CITY — Class suspensions in Valencia City were lifted after authorities on Saturday arrested a…

The Barangay Development Program (BDP), the flagship peace and development initiative of the National Task Force to End…
The SM Green Recycling Machines complement SM’s existing circular economy and waste management efforts.

According to the department, the initiative aims to improve internal coordination and build a more responsive…

The government has released P27.4 billion to help indigent and financially incapacitated Filipinos pay for medical…
Pinangunahan ng National Book Development Board (NBDB), sa pakikipagtulungan ng Department of Budget and Management (DBM), ang isang Book Exhibit at Book Selling Activity ngayong ika-24 ng Agosto sa DBM Central Office, San Miguel, Maynila.
Ipinakita sa exhibit ang iba't ibang aklat sa wikang Filipino, mga akademikong publikasyon, at mga akdang pampanitikan na naglalayong itaguyod ang kultura ng pagbabasa at pananaliksik sa hanay ng mga kawani ng pamahalaan.
Ibinahagi naman ni NBDB Communications Division Head Virgie Nicodemus ang pangunahing layunin sa pag-organisa ng naturang kaganapan na mas maparami pa ang kanilang malapitang organisasyon at opisina ng gobyerno.
Ipinaliwanag niya na ang lahat ay nagmumula sa loob ng mga tanggapan ng pamahalaan, at nais nilang palawakin ang kanilang maabot at impluwensya para sa mga librong Filipino.
“Lahat ng mga offices ay magiging exposed sa mga libro na ‘to, para makita nila,” dagdag niya.
Binigyang-diin din ni Nicodemus na bilang isang kawani ng gobyerno, naniniwala siyang ang pagkakaroon ng direktang pagprepresenta ay isang mabisang paraan ng pagpapalaganap ng impormasyon.
Kasabay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” ibinahagi rin ni Nicodemus ang kaniyang saloobin ukol sa malawak na paggamit ng artificial intelligence (AI) sa kasalukuyang panahon.
“Actually, as of now, ‘yung NBDB in particular, hindi tayo dependent sa AI,” pagbabahagi niya.
Hangga't maaari, nais nilang manatiling “authentic” ang kultura ng pagbabasa gamit ang mga librong Pilipino. Binigyang-diin din na ang labis na pagdepende sa AI ay nakakaapekto sa mga korporasyon sa paglilimbag at pagpaprinta.
Samantala, ibinahagi naman ni Niamph Tobias mula sa Bookmark Inc. ang kaniyang mga kaisipan kung paano mas mapapalapit ang mga bata sa pagbabasa sa modernong panahong ito kung kailan mas nakatutok sila sa teknolohiya at mas mahaba ang screen time.
Hinimok niya ang mga paaralan na kumilos upang matiyak na nananatili ang interes ng mga bata sa pagbabasa.
“Ang isa sa mga naiisip ko is book fair,” aniya.
Aniya, kinakailangang magkaroon ang mga paaralan ng book fair kahit man lang minsan sa bawat dalawang buwan upang mapataas ang interes sa pagbabasa ng mga mag-aaral.
Binigyang-diin din ni Tobias na itinuturing na pangalawang tahanan ang mga paaralan, kaya't mas magiging komportable ang mga bata na maunawaan na mas masaya ang pagbabasa ng mga pisikal na libro.
Ibinahagi rin ni Tobias ang kaniyang pananaw na dapat ding tumulong ang mga paaralan na ilapit ang wikang Filipino sa mga bata, lalo na ngayong mas marami na ang mga batang "English-speaking" kaysa sa mga nagta-Tagalog.
“Since gusto [rin] natin ipalawak ang pagbabasa ng mga libro, sa tingin ko po, i-focus ng mga eskwelahan ang mga librong nagfofocus sa Tagalog,” sabi niya.
Iminungkahi rin niya na gamitin ang kaalaman ng mga bata sa teknolohiya upang turuan sila ng wikang Filipino.
“Most naman ay into technology, I think it would be the best for them to play games na based din in Tagalog,” dagdag pa niya.
Sa patuloy na pagiging bahagi ng AI sa pananaliksik, ibinahag nama ni Romar Abante mula sa LAMPARA na ang AI ay mayroong mga partikular na pakinabang at kawalan na maaaring maging balanse kung hindi aabusuhin, o magdulot ng problema kapag nasobrahan.
“Ang kinapangit niya is hindi siya fully-detailed,” aniya, habang inilalarawan ang mga malinaw na kakulangan ng AI sa pagbibigay ng mga sagot, lalo na kung gagamitin ito sa pananaliksik.