LTFRB kikilos laban sa prangkisa ng sira-sirang jeep



The Public Attorney’s Office (PAO) is seeking an additional P700 million in funding to recruit more lawyers and support…

Government contractors need to be classified as corporations vested with public interest requiring the election of…


Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) general manager Nicolas Torre III shared his personal connection to…

That is what travel sometimes does. You leave looking for something new and find, unexpectedly, something you already…
Bumabalangkas na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng panuntunan na magtatakda sa pagtigil ng pagrerenew ng prangkisa ng mga pampublikong sasakyang hindi na maayos ang kondisyon.
Ayon kay LTFRB Chairperson Vigor Mendoza, kapag tuluyan nang naisapinal ang nasabing panuntunan, hindi na irerenew ang prangkisa ng mga pampasaherong sasakyang sira-sira at hindi na ligtas gamitin.
Saklaw ng patakarang ito ang mga tradisyunal at modernong jeepney, mga bus, pati na rin ang mga taxi.
Ibinahagi ni Mendoza na personal niyang naranasan ang pagsakay sa isang jeepney sa Visayas na may malaking butas sa gitna. Dagdag pa niya, may mga tsuper din umanong hindi nakasuot ng angkop na kasuotan, tulad ng pagsusuot ng tsinelas, sando, at shorts habang nagmamaneho.