‘Holdaper na pa-victim,’ sabi ni Hontiveros tungkol sa mga Discaya

HONTIVEROS pinuna ang mag-asawang Discaya sa pagharap sa Senate probe.
Daily Tribune images.

HONTIVEROS pinuna ang mag-asawang Discaya sa pagharap sa Senate probe.
Daily Tribune images.

‘The defense’s strategy is clear: bore people out of their wits using inane technicalities and distractions so the…

Senate Blue Ribbon Committee chairperson Erwin Tulfo urged Minority Leader Alan Cayetano on Friday to refrain from…

The Aboitiz Group is leveraging its diversified portfolio to accelerate the circular economy, transforming waste into…

Nosy Tarsee is curious about the grudge that has been making the rounds of the Senate gallery, in which a retired…

The Supreme Court (SC) has dismissed petitions that sought to cite Akbayan Partylist Rep. Percival Cendaña,…
Tinawag ni Senator Risa Hontiveros na mga “holdaper na pa-victim” ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya matapos igiit ng mga ito na sila umano ang “nanakawan” sa kanilang naging trabaho bilang government contractors sa flood control projects.
Ang pahayag ng senador ay tugon sa naging pahayag ni Curlee Discaya sa pagdinig ng Senado noong 19 Enero 2026, kung saan sinabi niyang siya at ang asawa ang dehado sa transaksiyon, lalo na sa usapin ng posibleng restitution o pagbabalik ng pondo ng bayan bilang kondisyon sa kanilang pagpasok sa Witness Protection Program (WPP).
Ayon kay Hontiveros, imbes na sumagot nang malinaw, patuloy umanong iniiwasan ng mag-asawa ang mahahalagang tanong at inililihis ang direksiyon ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.
“Hello, sasabihin niya na ninakawan sila? Parang hinoldap tayo tapos tayo pa ang kailangang mag-sorry sa holdaper,” pahayag ni Hontiveros sa Kapihan sa Senado nitong 21 Enero 2026.
Binigyang-diin ng senador na kung tunay na nais ng mag-asawang Discaya na mapasailalim sa WPP, kailangan nilang makipagtulungan nang buo sa imbestigasyon, sa halip na ilarawan ang sarili bilang inosente o biktima.
“Tigilan na yung mga holdaper pretending to be the victim,” ani Hontiveros.