DoJ hindi nagpapabaya sa kaso ng mga nawawalang sabungero


Mariing itinanggi ng Department of Justice (DoJ) na pinababayaan na nila ang kaso hinggil sa mga nawawalang sabungero na hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahanap.
Ito ang binigyang-diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla matapos tanungin hinggil sa reaksyon ng mga pamilya ng mga biktima.
Ayon kay Remulla, hindi umano nila sinusukuan ang kaso at patuloy pa rin ang kanilang pagkalap ng mga ebidensya upang tuluyang maresolba ang isyu.
Dagdag niya, ginagawa nila ang lahat upang matukoy ang katotohanan sa likod ng mga pagdukot at pagkawala ng mga sabungero.
Gayunpaman, inamin ng DoJ chief na mayroong kabagalan sa pag-usad at pagresolba sa naturang isyu at paliwanag niya, ito ay bahagi ng proseso at sadyang minsan ay hindi maiiwasan ang mabagal na pag-andar ng kaso dahil sa pangangailangan ng tiyak na ebidensya.
Sa kabila nito, ipinagmalaki ni Remulla na kasalukuyan nilang hawak ang mga impormasyong ibinunyag ng kinilalang testigo na si alyas 'Totoy.' Isinawalat ng naturang testigo na umano'y pinatay at inilibing na ang mga nawawalang sabungero sa Taal Lake, na apat na taon nang pinaghahanap.
Hindu immigrants abroad celebrate in either August or September Ganesh Chaturthi, a 10-day festival commemorating the…
President Ferdinand Marcos Jr. on Tuesday called for women’s greater representation in leadership across Southeast…
The Senate impeachment court on Tuesday denied the prosecution’s bid to compel Vice President Sara Duterte to confirm…