Seniors citizens patay sa sunog

Seniors citizens patay sa sunog

Dalawang magkahiwalay na sunog sa Cebu at Camarines Sur ang kumitil sa buhay ng dalawang babaeng senior citizens, ayon sa mga otordiad.

Batay sa mga ulat, sinabing isang 74-anyos na lola ang nasawi nang masunog ang kaniyang bahay sa Barangay Poblacion sa Sogod, Cebu nitong Lunes ng gabi at ayon sa pulisya, mag-isa lang umanong nakatira sa bahay ang biktima na pinagtulungan ng mga kaanak at kapitbahay na sagipin.

Nadala pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay dahil sa matinding pinsala na tinamo. Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng sunog na posible umanong sa koneksiyon sa kuryente.

Samantala, ang isa pang nasawing senior citizen ay kinilalang si Cris Novelo at batay sa ulat, nasawi umano ang biktima matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay San Juan sa Canaman, Camarines Sur.

Nagtamo rin mga paso sa katawan ang mister ng biktima.

Sa impormasyon na nakalap ni Senior Fire Officer 4 Melchor Villanueva, Officer-in-Charge ng Canaman Bureau of Fire Protection, bumalik umano sa nasusunog na bahay ang biktima para kunin ang naiwang pera pero sa kasamaang palad, hindi na siya nalabas pang muli.

Ayon kay Arvin Fuerte, kaanak ng biktima, natutulog sila at galing sa reunion kaya hindi nila kaagad napansin ang sunog. Faulty electrical wiring ang isa sa tinitingnan ng mga awtoridad na dahilan ng sunog.

Related Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph