
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Iniulat ng mga otoridad nitong Lunes na isang 22-anyos na lalaki ang nasawi sa pananaksak habang tatlong iba pa ang sugatan matapos magkainitan ang dalawang grupo ng kalalakihan sa Talisay, Camarines Norte.
Ayon sa mga ulat, nangyari ang insidente noong Biyernes Santo habang nagsasagawa ng prusisyon sa Barangay Poblacion.
Batay sa imbestigasyon, kadaraan lang ng prusisyon nang mangyari ang kaguluhan sa dalawang grupo na nauwi sa pananaksak na ikinasawi ng isa, at ikinasugat ng tatlong iba pa.
Sinabi ng mga pulis na napag-tripan ng mga suspek ang mga biktima na nauwi sa komosyon at humantong sa pananaksak.
Ayon naman sa ama ng nasawing biktima, nagpaalam ito na manonood lang ng nagpepenitensiya kasama ang mga pinsan nang mangyari ang insidente at ang hiling niya ay mabigyan ng katarungan ang sinapit ng kaniyang anak.
Sinabi naman ng isang saksi na tinangka niyang awatin ang magkabilang grupo pero may sumuntok at sumipa rin sa kaniya.
Handa umano siyang tumulong sa imbestigasyon para matukoy ang mga salarin.
Isa sa mga suspek ang sumuko na, habang pinaghahanap ang dalawang iba pa.
Sa ibang balita, nagimbal ang isang pamilya sa Koronadal City, Cotabato nang makita nilang butas ang nitso ng kanilang sanggol na ilang araw pa lang inililibing at nakalabas ang paa nito.
Batay sa mga ulat, sinabing pitong-buwang-gulang ang sanggol na namatay dahil sa pneumonia at nang bisitahin ito ng mga magulang ng bata upang magtirik sana ng kandila, nagulat sila nang makita nilang butas ang nitso nito.
Hinala ng pamilya at ilang residente, planong nakawin ang ilang parte ng sanggol para gawing anting-anting.
“Oo baka nakawin talaga ang buto sa tuhod ng bata. Pero wala naman, tinignan namin, wala namang nawala,” saad ng isang nakasaksi.
Sinabi rin sa mga ulat na may nakita silang grupo ng kalalakihan na pumasok sa sementeryo noong Biyernes.
Inayos muli ang nitso ng sanggol habang inaalam na ng mga awtoridad kung sino ang mga suspek.

Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

Noong Miyerkules, tinupad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangarin na makasama sa pamamahala ng gobyerno…