Halos 200 IPs dinampot mula lansangan

Sinagip ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa halos 200 indigenous peoples (IPs) nitong Martes sa Metro Manila.
Ayon kay DSWD undersecretary Edu Punay, nasa mahigit 60 Badjaos ang nakauwi na sa kani-kanilang mga probinsya, habang 20 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan sa Jose Fabella Center.
Sinagot ng DSWD ang transportation cost at binibigay din ang mga nararapat na assistance sa mga IP families, kabilang dito ang pagbibigay sa kanila ng P10,000 cash assistance.
Ayon pa kay Punay, ang mga nasagip na mga miyembro ng IP community ay sa Makati, Muntinlupa, Manila at Pasay.
Dagdag pa ni Punay na inaayos ng DSWD ang pagbibigay ng birth certificates at IDs para sa mga sinagip na IPs upang matiyak ng ahensya na hindi na sila babalik sa Metro Manila para manlimos at para may access sila sa mga programa ng gobyerno.
