
Indigenous people and environment advocates from Nueva Vizcaya gathered in front of the Department of Environment and…

Passengers flying Cebu Pacific (CEB) will soon have access to high-speed in-flight internet as the airline rolls out…

The Department of Social Welfare and Development (DSWD) distributed Family Food Packs (FFPs) on Tuesday to affected…

When Josef was diagnosed with autism at four years old, his family chose acceptance over uncertainty.

The National Bureau of Investigation did not review a video in which Vice President Sara Duterte said she feared for…
Rehas naman ngayon ang hinihimas ng lalaking nanglamas ng dibdib ng dalawang kababaihang estudyante sa Malolos, Bulacan, nitong Miyerkules.
Kinilala ng Malolos Police ang suspek na si Paul Jerald Payongayong II (25).
Ang mga biktima namang estudyante ay itinago sa pangalang Lalaine (21) ng Malolos at Ophaline (19) ng Angat.
Ganap na 2:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Brgy. Mojon.
Naglalakad lamang umano ang dalawang estudyante patungo sa kanilang eskuwelahan nang lumapit umano sa kanila ang suspek na lulan ng motorsiklo.
Nagulat na lamang umano sila nang walang ano-ano'y hinimas ng suspek ang dibdib ng biktimang si Lalaine saka sunod na dinakma ng mabilis ang dibdib ni Ophaline.
Agad namang nakahingi ng saklolo ang mga biktima sa mga tanod ng Brgy. Mojon na mabilis ding nakaresponde, dahilan upang agarang maaresto ang suspek na kalaunan ay itinurn over din sa Malolos PNP.