

Inaasahan ang malaking galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa oil industry sources, posibleng tumaas ng P3 hanggang P4 kada litro ang diesel, habang P5 hanggang P6 naman ang dagdag sa kerosene.
Samantala, inaasahang bababa ang presyo ng gasolina ng P1.50 hanggang P2.50 kada litro.
Bukas ilalabas ang pinal na anunsyo ng mga kumpanya ng langis tungkol sa oil price adjustment na ipatutupad sa Martes.