SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Ortega, naniniwalang hindi maiimpluwensyahan ang justice panel

REPRESENTATIVE Paolo Ortega V of La Union, iginiit na mananaig ang due diligence at masusing pagtalakay ng mga komite sa ikaapat na reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
REPRESENTATIVE Paolo Ortega V of La Union, iginiit na mananaig ang due diligence at masusing pagtalakay ng mga komite sa ikaapat na reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.DAILY TRIBUNE images
Published on

Nagpahayag ng kumpiyansa si Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union na hindi maaapektuhan ng presyur sa politika ang House Committee on Justice sa paghawak sa ikaapat na reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.

“Well, the Justice Committee, nakita nyo kung paano i-handle ni Congresswoman Jinky Luistro ‘yung committee, so I don’t think maiimpluwensyahan o matatakot or mai-intimidate ‘yung committee as long as nandiyan at nakalatag ang mga importanteng facts tsaka pag-uusapan ‘yan, pagdedebatehan ‘yan dadaan sa committee level so due diligence, tsaka lahat ng kailangan na pag-uusisa dadaan lahat sa committee,” ani Ortega.

Ang ikaapat na reklamo, na inihain noong nakaraang Miyerkules, ay nagsasaad na hindi umano lubos na naibunyag ni Duterte ang ilang ari-arian sa kanyang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth, at maaaring nakalikom ng yaman na hindi tugma sa kanyang lehitimong kita.

Inihain ni Atty. Nathaniel G. Cabrera at inendorso nina House Committee on Human Rights Chair Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Ortega, inaakusahan sa reklamo si Duterte ng culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, graft and corruption, bribery, at iba pang high crimes.

Ayon kay Ortega, ang pagdaan ng reklamo sa antas ng komite ay magbibigay-daan sa mas malawak na talakayan at debate ng mga mambabatas.

“Mas confident pa siguro ako now dahil uusisiin siya sa committee level. So mas mapag-uusapan, mas mapag-debatehan, mas may-engagement ‘yung mga different views from the different legislators. So confident ako na makukuha pa rin ‘yung vote,” wika niya.

Iginiit din niya na mas mainam ang regular na proseso ng komite kaysa shortcut route.

“Mas mainam siguro na ganun. Since nagkaroon tayo ng Supreme Court issues before, I think this is where it’s heading. Nakita nyo naman pati ‘yung impeachment ng Pangulo dumaan din doon,” ani Ortega.

Sentro ng reklamo ang alegasyon na may mga ari-arian, bank account, at transaksyon sa mga property na hindi umano naisama o nabanggit nang wasto sa SALNs ni Duterte. Tinukoy ni Ortega ang pahayag ni Ramil Madriaga bilang isa sa mga naging batayan ng kanyang pag-endorso.

“Well, ‘yung Madriaga statements,” sagot niya nang tanungin kung ano ang nagtulak sa kanyang pag-endorso.

“Yeah, pero this one was already coming out in the media. So parang mas napalakas pa lalo. Na-reinforce ‘yung 19th Congress na complaint,” dagdag niya.

Binigyang-diin ni Ortega na personal ang kanyang naging pasya matapos suriin ang reklamo.

“Hindi po, sarili po naming desisyon ito,” ani Ortega. “So sabi ko, sige I will endorse this. At ‘yun naman sarili ko namang paninindigan saka pag-endorse.”

Dagdag pa niya, ang mga alegasyon ay napag-usapan na sa mga naunang pagdinig ng komite at dapat umanong dumaan muli sa wastong deliberasyon.

“Titingnan natin ‘yung flow ng sa komite. Kung in the highest interest of the public, then aaralin ‘yan. Bubusisiin,” aniya.

Iginiit din niya na anuman ang mga naratibo sa politika, dapat manaig ang pananagutan.

“Kung meron man blessing o wala, bonus na lang siguro. But this one talagang decision ko, personal decision,” ani Ortega.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph