SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Kaso nina Revilla at Co tuloy sa Sandiganbayan

DATING senator Ramon “Bong” Revilla Jr, haharap sa Sandiganbayan para sa pre-trial hearings sa mga graft case kaugnay ng flood control projects.
DATING senator Ramon “Bong” Revilla Jr, haharap sa Sandiganbayan para sa pre-trial hearings sa mga graft case kaugnay ng flood control projects.Daily Tribune images.
Published on

Ipinagpatuloy ng Sandiganbayan noong Huwebes, 19 February 2026, ang preliminary conferences sa ilang kaso ng katiwalian sa flood control, kung saan ilang detainees ay dumalo sa paglilitis.

Sa pre-trial, parehong nagmarka ng ebidensya ang prosecution at depensa, tinukoy ang mga saksi, at inilahad ang mga facts bago ang korte.

Nagpatuloy ang Fourth Division ng preliminary conference bandang 1:30 p.m. para sa graft case laban sa dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., kasama sina DPWH Assistant Engineer Brice Hernandez, Engineer Jaypee Mendoza, Engineer Arjay Domasig, Engineer Emelita Juat, Christina Pineda, at Juanito Mendoza.

Ang kaso ay kaugnay sa diumano’y P92.8-milyong “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan. Dumalo sina Juat, Pineda at Domasig, habang sina Revilla at iba pang co-accused ay nag-waive ng kanilang pagdalo.

Inmarka at beripikado ng mga partido ang mga kontrata, project maps, coordinates, at affidavit ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, na nag-claim na nakatanggap si Revilla ng kickbacks kapalit ng pag-endorso sa mga flood control projects.

Samantala, ipinagpatuloy ng Fifth Division ng Sandiganbayan ang marking of evidence sa graft case laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, kaugnay ng diumano’y irregularidad sa flood control project sa Oriental Mindoro.

Nagpokus ang prosecution at depensa sa mga kontrata at certificates na may kaugnayan sa Sunwest. Kabilang sa mga co-accused ni Co ang DPWH Region IV-B officials na sina Gerald Pacanan, Juliet Calvo, Gene Altea, Ruben Delos Santos Jr., Dominic Serrano, Lerma Cayco, Dennis Abagon, Felisardo Casuno, at Montrexis Tamayo. Lahat ng akusado ay nag-waive ng kanilang pagdalo.

Itinakda ng korte ang susunod na preliminary conference sa 26 February 2026.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph