
Paseksihan ang labanan, yan ang hamon ng tinaguriang "SawsaweRRa Queen" na si RR Enriquez sa actress at famous vlogger na si Ivana Alawi matapos ang ilang comments na nakuha ni RR sa kanyang pinakabagong vlog.
"For me, mas sexy ka pa kay Ivana! Proportion kasi katawan mo love it! 39 pero lumalaban!" sabi ng netizen.
Reply naman ni RR, "Gusto ko yun! Gravity pero as a sawsawerra queen at I don't sugarcoat mentality mag-aagree ako sayo. Kaya ko talaga lumaban kay Ivana at sa ibang sexy star jan dahil may asim pa ako CHAROT!"
At sa kanyang latest vlog nga ay muli itong natalakay ni RR at isang karangalan nga raw ang maikumpara siya sa Kapamilya actress.
"At the age of 39, lumalaban pa rin ako kay Ivana. Isang malaking karangalan sa akin yun na masabihan ng mas maganda at mas seksi ka kay Ivana 'di ba?" sabi ni RR.
Hirit pa ni RR, "gigil na gigil" rin daw siya sa actress-vlogger dahil crush ito ng kanyang dyowang si Jayjay Helterbrand.
"Alam niyo, gigil na gigil talaga ako diyan kay Ivana. Dahil ang seksi-seksi ang ganda-ganda. Cute-cute na bata. Hindi lang 'yun, crush din siya ni Jayjay. Kaya happy ako na may nagsasabi na mas seksi ako kay Ivana," pabirong saad niya.
Binalikan pa nga nito ang dati nilang video kung saan naglaro silang dalawa ng "Jojowain o Totropahin".