
Napagkamalang may dalang ilegal na droga ang isang 17-anyos na Grade 9 student sa Bacolod City matapos makitaan ng…

Nasamsam ng mga awtoridad ang hinihinalang shabu mula sa isang 17-anyos na mag-aaral sa Grade 9 sa isinagawang…

The Philippine National Police (PNP) announced Sunday the arrest of two high-value drug suspects in Mindanao and the…

More than a kilogram of suspected shabu worth nearly P6.9 million was seized by the Southern Police District (SPD)…
Caera Celis and Edz Escultura served as St. John’s Institute-Bacolod’s one-two punch in downing guest team Perfect Set…
Nasa mahigit-kumulang P4M na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Bacolod City Police Office City Drug Enforcement Unit sa dalawang drug personalities sa isinagawa nilang buy-bust operation Sabado ng madaling-araw.
Ayon kay Lt. Joven Mogato, hepe ng CDEU, kinilala ang mga suspek na sina Anthony Solon, 38, ng Purok Riverside, Barangay Bata, at Erwin Belonio, 34, ng Zone 11, Barangay Handumanan.
Ganap na alas-12:30 ng madaling araw nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Bata na napagalamang pawang mga high-value individuals.
Nasa 675 gramo ng shabu ang narekober ng pulisya na may street value na P4,590,000.00 mula sa dalawang suspek.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang mga suspek na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.