82 anyos na negosyante at dalawa pa, patay sa pamamaril sa Nueva Ecija



The provincial government celebrated the 225th Founding Anniversary of Nueva Ecija at the Old Nueva Ecija Provincial…

CAMP OLIVAS, Pampanga — Police arrested eight individuals and seized illegal drugs, smuggled cigarettes and stolen…

A local farmer’s decades-long experiment is drawing attention for showing that higher rice yields do not have to come…

Umapela ang may-ari ng isang private resort matapos ma-scam ng mga kliyenteng nag-book ng package para sa 25 katao…

The SAJ said he has served as acting Chief Justice several times, particularly when Chief Justice Alexander Gesmundo is…
Read next

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.


Tatlong tao ang binaril at napatay ng mga hindi kilalang salarin sa kanilang tirahan sa Purok 4, Barangay Baloc sa bayan ng Sto. Domingo, Nueva Ecija noong Sabado.
Ayon sa ulat ng pulisya, kabilang sa mga biktima ang isang 82-anyos na negosyante, isang lalaking residente ng Guimba, at isang babaeng residente ng nabanggit na bayan.
Batay sa paunang imbestigasyon, bandang alas-11:30 ng umaga nang makatanggap ng ulat ang Sto. Domingo Police Station tungkol sa naturang insidente.
Pagdating ng mga rumespondeng tauhan, tumambad ang bangkay ng negosyante sa tapat ng isang container van na nagsilbing living quarters, habang nakatali ang mga kamay nito gamit ang steel wire.
Katabi ng negosyante ang ikalawang lalaki, na nagsisilbing drayber, na natagpuang nakaupo habang nakatali ang mga kamay, paa, at leeg.
Samantala, natagpuan namang patay malapit sa kama ang babaeng nagsisilbing kasambahay sa naturang tahanan.
Isinaad sa ulat na pinuwersang sinira ang kandado ng pinto ng container van, at nagkakalat ang mga gamit sa loob ng mga cabinet.
Nagkagulo rin ang mga kagamitan sa loob ng sasakyan ng negosyante, na tila hinalughog ng mga salarin.
Nakarekober ang mga imbestigador ng mga basyo ng bala ng .45, isang 9mm semiautomatic pistol, at iba pang kagamitan sa pinangyarihan ng krimen.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo sa likod ng malagim na krimen.
Sa paunang pagsusuri sa mga bangkay, lumalabas na nagtamo ang unang biktima ng mga sugat mula sa bala sa ulo at kaliwang braso; ang ikalawang biktima naman ay may tama sa ulo; habang ang ikatlong biktima ay nagtamo ng maramihang sugat mula sa bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.