BoC nakalikom ng halos P26M mula sa 3 luxury cars ng mga Discaya


Tatlo pang mamahaling sasakyan ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang muling isinubasta ng Bureau of Customs sa isinagawang panibagong public auction kahapon.
Ayon kay Customs Commissioner Ariel Nepomuceno, umabot sa P25.7 milyon ang kabuuang nalikom mula sa pagbebenta ng mga sasakyan, kabilang ang Lincoln Navigator (2024), Cadillac Escalade ESV (2022), at Bentley Bentayga (2022).
Ang Igorot Stone Kingdom, na kinatawan ng founder nitong si Pio Velasco, ang nakabili ng Cadillac sa halagang P6.6 milyon. Matatandaang sila rin ang bumili ng Rolls-Royce Cullinan na naging kontrobersyal dahil sa payong na kasama nito—na umano’y naging dahilan kung bakit ito binili ni Sarah Discaya.
Samantala, nabili naman ng kumpanyang Cantinetta Espresso Concepts ang Lincoln Navigator 2024 sa halagang P6.9 milyon, habang ang TDY Consumer Goods Trading ang nakakuha ng Bentley sa presyong P12.1 milyon.
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…