SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Marikina, inilunsad ang apat na araw na Arts, Crafts, at Coffee Festival

IPINAGDIWANG ng Marikina ang National Arts Month kasama ang mga local artists, crafts, at kape.
IPINAGDIWANG ng Marikina ang National Arts Month kasama ang mga local artists, crafts, at kape.Larawan mula sa Marikina LGU
Published on

Pinangunahan ni Mayor Marjorie Ann “Maan” Teodoro at Marikina First District Rep. Marcy Teodoro ang paglulunsad ng apat-araw na Arts, Crafts, and Coffee Festival sa Marikina Freedom Park noong Huwebes, 19 Pebrero, bilang bahagi ng selebrasyon ng National Arts Month.

Ayon kay Mayor Teodoro, ang festival ay pagdiriwang ng talento ng mga lokal na artists at entrepreneurs, at suporta sa lumalaking kultura ng kape sa lungsod.

“Noong nakaraang taon, nagkaroon tayo ng coffee fest. Medyo nabitin lang dahil may bagyo. Kaya binalik natin agad ito. At dahil Arts Month, kasama natin ang iba’t ibang mahusay na artists ng Marikina,” ani Teodoro.

Dagdag pa niya, ang festival ay simula ng serye ng mga aktibidad sa buong taon, na naglalayong palakasin ang pagkakaisa at samahan ng komunidad.

“Gusto natin maging regular ang mga fests dito sa Freedom Park. Pag taga-Marikina ka, pagkain at kwentuhan ang pinagsasamahan natin,” ani Mayor Teodoro.

Para kay Rep. Marcy Teodoro, ang festival ay pagkilala sa mga sining at talento ng Marikina at oportunidad para sa mga artista at negosyante na ipakita ang kanilang produkto — mula sa handmade accessories hanggang sa kakaibang coffee blends.

May kasamang art/drawing tutorials, spoken word poetry, live music, at coffee tasting sessions ang festival.

“Perfect itong lugar para makita ang totoong Tatak Marikina,” sabi ni Mayor Teodoro.

Ang Arts, Crafts, and Coffee Festival 2026 ay bukas mula 19 Pebrero (4:00 pm - 10:00 pm) at 20–22 Pebrero (8:00 am - 10:00 pm). Magbubukas ang coffee shops ng 8:00 am at arts & crafts booths ng 10:00 am.

Larawan mula sa Marikina LGU.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph