Saturday, 27 June 2026
Nasdaq -0.24%
Subscribe NowSupport Us
Partner feature
Daily Tribune partner feature
Partner feature

Daily TribuneDaily Tribune

Daily TribuneDaily Tribune
Subscribe
Saturday, 27 June 2026
Nasdaq -0.24%
  • News
  • Business
  • Commentary
  • Life
  • Show
  • Tech Talks
  • Sports
  • Dyaryo Tirada
Partner feature
Subscribe to Daily Tribune
Daily Tribune

The Philippines' leading digital newspaper.

News
  • Headlines
  • Metro
  • Nation
  • World
Business
  • Shipping
  • Portraits
  • Pep
  • Business Advisories
Commentary
  • Opinion
  • Editorial
  • Scuttlebutt
Life
  • Show
  • Food & Drink
  • Getaways
  • Arts & Culture
  • Social Set
  • Spaces
  • Fashion & Beauty
  • The Edit
  • Top Form
  • Next Gen
  • Sacred Space
  • Project Larawan
Sports
  • Hoops
  • Volley
  • Golf
  • Goal
  • Boxing
  • Tennis
  • Esports
  • Blast

More

  • Tech Talks
  • Dyaryo Tirada
  • Horoscope
  • Sudoku
  • Crossword
  • Photos
  • Embassy
  • Hotspot
  • Special Report
  • Innovation
  • Partnership
  • Remember Me
  • Environment
  • Natural Wonders
  • Earth

Company

  • About
  • Contact
  • Advertise
  • Privacy
  • Subscribe
  • Support Us

© 2026 Daily Tribune · tribune.net.ph · Powered by Quintype

DYARYO TIRADA

Abante: Pag-anunsyo ni Sara ng kandidatura sa 2028 nagbukas ng ‘Pandora’s box’

AM

Alvin Murcia·20 February 2026, 12:27 pm

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google
Abante: Pag-anunsyo ni Sara ng kandidatura sa 2028 nagbukas ng ‘Pandora’s box’

SINABI ni Manila Rep. Benny Abante na ang maagang pahayag ng VP Sara Duterte sa 2028 presidential race ay naglalantad ng seryosong mga alegasyon na dapat niyang tugunan.

Photo courtesy of Benny Abante

Partner feature
Driver's Den on YouTube

Ang maagang pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang kandidatura sa 2028 national elections ay nagbukas ng “Pandora’s box” ng seryosong mga alegasyon na kailangan niyang sagutin, ayon kay Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr.

Ani Abante, ayaw niyang “pre-empt kung ano ang intensyon ng bise presidente,” ngunit kinuwestiyon niya ang timing ng anunsyo, lalo na’t may tatlong impeachment complaints na ang nakabinbin laban kay Duterte noon.

“Napakaaga ng kanyang announcement,” paliwanag ni Abante, na binanggit na may dalawang buong taon pa bago ang 2028 national elections.

Para sa beteranong mambabatas, ang pahayag ni Duterte ay hindi nakapapatigil sa kontrobersiya; sa halip, maaari nitong ilantad ang mga isyu sa publiko.

“Her announcement would open the Pandora’s box for everything. That will expose her publicly,” dagdag niya, bilang chairman ng House Committee on Human Rights.

Ani Abante, ang bagong sitwasyon ay naglalagay sa VP ng tungkulin na sagutin ang mga katanungang ibinato laban sa kanya, habang tinitimbang ng publiko kung anong klase ng pamumuno at direksyon ang maibibigay niya.

Sinabi niya na nasa VP ang responsibilidad na ipaliwanag ang mga isyu sa sambayanang Pilipino.

Ibinunyag ni Duterte ang kanyang hangarin sa pagkapangulo noong Miyerkules ng umaga, 18 Pebrero. Sa gabing iyon, sa House of Representatives, inendorso ni Abante at Deputy Speaker at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang ika-apat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente.

Ang nag-iisang nagreklamo ay si Atty. Nathaniel Cabrera. Ani Abante, ang kanyang desisyon na i-endorso ang reklamo ay walang kinalaman sa 2028 presidential race.

“This is about 2026, about whether the Vice President remains fit to hold the second highest office in the land. This is not about politics; this is about accountability and integrity,” ani Abante.

Aniya, ang proseso ng impeachment ay nagbibigay kay Duterte ng pagkakataon na harapin ang mga akusasyon nang diretso. “After all, the public deserves clarity on issues tied to the Office of the Vice President (OVP).”

Dagdag pa niya, kung walang mali si Duterte, wala ring magiging epekto ang impeachment complaint. Ngunit kung mapapatunayan ang paglabag, ito ay magpapatuloy sa impeachment court.

Share

Google Preferred Sources

Get more Daily Tribune stories in your search results

Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.

Add to Google
Partner feature
Driver's Den on YouTube

Suggested Articles

Pamilya ni Rene Baterbonia, nakatanggap ng P2.66M na condo mula sa NHA
DYARYO TIRADA

Pamilya ni Rene Baterbonia, nakatanggap ng P2.66M na condo mula sa NHA

Nakatanggap ng condominium unit na nagkakahalaga ng P2.266 milyon mula sa National Housing Authority (NHA) ang pamilya…

Louisse Kalingag·27 June 2026

Kim Chiu inupakan ng madlang pipol sa bad joke kay Ryzza Mae Dizon
DYARYO TIRADA

Kim Chiu inupakan ng madlang pipol sa bad joke kay Ryzza Mae Dizon

Walang patumangang batikos ang inabot ni Kim Chiu dahil sa bad joke niya kay Ryzza Mae Dizon.

Alex Brosas·26 June 2026

Guro, kinasuhan dahil sa umano'y pang-aabuso sa mga estudyante
DYARYO TIRADA

Guro, kinasuhan dahil sa umano'y pang-aabuso sa mga estudyante

Isang guro sa Parañaque City ang nahaharap sa mga kasong acts of lasciviousness at paglabag sa Anti-Child Abuse Law…

Michael Pingol·26 June 2026

College graduate, binaril sa araw ng kanyang graduation
DYARYO TIRADA

College graduate, binaril sa araw ng kanyang graduation

Sugatan ang isang college graduate matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa mismong araw ng kanyang…

Michael Pingol·26 June 2026

Bilang ng tamaraw sa Mindoro, tumaas ayon sa DENR
DYARYO TIRADA

Bilang ng tamaraw sa Mindoro, tumaas ayon sa DENR

Kinumpirma ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) - MIMAROPA ang positibong lagay ng populasyon ng…

Abegail Esquierda·25 June 2026

Pulubing nanuntok ng senior citizen sa jeep, arestado
DYARYO TIRADA

Pulubing nanuntok ng senior citizen sa jeep, arestado

Naaresto ng mga awtoridad ang lalaking nasa viral video na nakuhang nag-amok sa loob ng isang jeep.

Abegail Esquierda·25 June 2026