SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Asawa, humiling ng proteksyon para kay Busfield sa kulungan

MELISSA Gilbert (kaliwa) humingi sa hukom ng proteksyon para kay Timothy Busfield na nasa kulungan.
MELISSA Gilbert (kaliwa) humingi sa hukom ng proteksyon para kay Timothy Busfield na nasa kulungan.Larawan mula Pascal Le Segretain/Getty Images.
Published on

Humiling ang aktres na si Melissa Gilbert sa hukom na protektahan ang kanyang asawang si Timothy Busfield habang nakakulong ito matapos maaresto sa kasong sekswal na pang-aabuso sa bata.

Sa isang liham na isinampa nitong weekend sa korte sa New Mexico, tinawag ni Gilbert ang kanyang asawa na “sweet husband” at idiniin ang kanyang pangamba sa kaligtasan ni Busfield sa loob ng kulungan.

“Ang tanging hangad ko ay maging ligtas at buo ang aking asawa,” ayon sa liham na nakuha ng People. “Mangyaring alagaan ang aking sweet husband. Siya ang aking tagaprotekta, at ako rin ang kanya, ngunit hindi ko siya maipagtanggol ngayon. Umaasa ako sa inyo na protektahan siya para sa akin.”

Nanatiling matatag si Gilbert sa pagsuporta sa kanyang asawa mula nang siya’y kasuhan sa umano’y pang-aabuso sa 11-anyos na kambal na lalaki habang nagdidirehe sa palabas na The Cleaning Lady noong 2024.

Itinanggi ni Busfield ang mga paratang, ngunit sumuko sa pulisya sa New Mexico noong 13 Enero 2026. Ayon sa ulat, mahigit 75 liham mula sa pamilya, kaibigan, at dating kasama sa trabaho ang isinumite sa korte bilang suporta kay Busfield.

SUMUKO sa mga awtoridad si Busfield noong 13 Enero at wala siyang plea noong unang humarap sa korte noong 14 Enero.
SUMUKO sa mga awtoridad si Busfield noong 13 Enero at wala siyang plea noong unang humarap sa korte noong 14 Enero.Larawan mula sa Bernalillo County Metropolitan Court.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph