Hindi binigyan ng pera ng nanay, tumalon sa ilog

TUMALON mula sa Polo Bridge ang 22-anyos na delivery rider matapos umano’y magtampo nang mapagalitan dahil sa paghingi ng pera.
Larawan mula sa One Valenzuela sa Facebook.

TUMALON mula sa Polo Bridge ang 22-anyos na delivery rider matapos umano’y magtampo nang mapagalitan dahil sa paghingi ng pera.
Larawan mula sa One Valenzuela sa Facebook.

BAGUIO CITY — The University of the Philippines Baguio (UP Baguio) has warned the public against individuals falsely…
CLARK — Gilbert Muge and Edna Magtubo ran away with the crown in the PUMA Clark City Half Marathon 2026, leading a…

Inspired by the world’s ultimate comfort foods, World Kitchens is a one-of-a-kind dining destination in Araneta City,…

The omakase-style dinner created by chef Watanabe takes an intimate omakase experience to a whole new level with a…

Seafood took over the City of Firsts as Araneta City held its first-ever seafood culinary showdown at Dampa at Farmers…
Isang 22-anyos na delivery rider ang muntik nang magtapos sa ilog matapos umano’y magtampo nang mapagalitan ng kanyang ina dahil sa muling paghingi ng pera, noong Martes, ika-13 ng Enero 2026.
Ayon sa ulat, sumakay ang binata sa kanyang motorsiklo patungo sa Polo Bridge sa M.H. Del Pilar, Barangay Poblacion, Valenzuela City. Pagdating doon, tumalon siya sa malalim na ilog sa hangaring wakasan ang buhay.
Isang testigo ang nakasaksi sa pangyayari at agad humingi ng tulong sa hepe ng Polo Police Sub-Station 5 para mabigyan ng agarang suporta ang biktima.
Pagdating ng mga pulis, natagpuan nila ang binata sa gilid ng ilog. Nagtulungan ang mga awtoridad upang mai-ahon at mailigtas ang kabataan. Ayon kay Valenzuela Police Chief, PCol. Joseph Talento, nahimasmasan ang biktima at nagbago ang isip nang sumayad na ang katawan sa tubig, kaya pilit niyang tinangkang lumangoy patungo sa gilid hanggang sa mailigtas siya.
Walang detalye sa ulat kung may kasaysayan ng depresyon ang binata o kung may iba pang dahilan sa kanyang desisyon na tumalon sa ilog.