Pumasa sa 2025 Bar Examinations nasa 5,594 ang bilang

SUPREME Court inilabas ang resulta ng Bar na may 48.96 percent passing rate.
PNA

SUPREME Court inilabas ang resulta ng Bar na may 48.96 percent passing rate.
PNA

US Secretary of State Marco Rubio will hold high-level talks with President Ferdinand Marcos Jr. during which he is…

Booking a taxi through an app will soon become more predictable for commuters after the Booking a taxi through an app…

Ombudsman Jesus Crispin Remulla warned an unnamed law office against committing a crime to protect their client.

A diplomatic row between Manila and Beijing deepened on Saturday as more Philippine officials demanded a public apology…

The 19th Filoil Ecooil Preseason Cup hits overdrive on Sunday at the Filoil EcoOil Centre in San Juan as the last four…
Inilabas na ng Korte Suprema (SC) ngayong araw ang resulta ng 2025 Bar Examinations, kung saan 5,594 sa kabuuang 11,425 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa, na may katumbas na 48.96 percent passing rate.
Nanguna sa hanay ng mga bagong abogado si Jhenroniel Rhey Sanchez mula sa University of the Philippines, na nagtala ng pinakamataas na pangkalahatang marka na 92.70 percent.
Pinamunuan ni Associate Justice Amy Lazaro-Javier, chairperson ng Bar Examinations Committee, ang pormal na pagbubukas ng resulta sa isang en banc session ng Korte Suprema.
Itinuturing na makasaysayan ang 2025 Bar Examinations dahil ito ang nagtala ng pinakamalaking bilang ng mga examinees sa kasaysayan ng Bar, na lumampas sa 11,000 kandidato.
Kasabay ng anunsyo ng mga pumasa, inilabas din ng SC ang listahan ng mga topnotchers at ng mga law school na may pinakamataas na performance.
Ang mga bagong abogado ay inaasahang dadaan sa clearance process at opisyal na manunumpa sa mga susunod na linggo.