
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Isang 49-anyos na lalaki ang binaril at napatay ng isang hindi pa nakikilalang salarin na sakay ng motorsiklo habang pauwi sakay ng sarili niyang motorsiklo sa Barangay Mambugan, Antipolo City, nitong Huwebes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Ronimar Bagunu, isang liaison officer at residente ng Marpas Street, Barangay Mambugan.
Ayon sa mga awtoridad, bandang 7:50 AM nang tambangan ang biktima habang minamaneho ang kanyang Honda Click 125 sa Marpas Street. Isinugod siya sa Metro Antipolo Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival.
Batay sa paunang imbestigasyon, biglang sumulpot ang suspek sa lugar habang nasa biyahe ang biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ito nang paulit-ulit gamit ang hindi pa matukoy na kalibre ng baril.
Agad tumakas ang salarin matapos ang pamamaril, sakay ng isang itim na motorsiklo. Nakasuot ito ng full-faced helmet na may disenyo.
Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang Antipolo police upang matukoy ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng salarin