Palasyo, ikinatuwa ang pagkaka-alis ng Pilipinas sa 'Gray List'


Three decades after the Marcopper mining disaster devastated Marinduque’s waterways, the province is again pressing the…
Housing is probably the biggest issue affecting people the world over.
Malacañang on Monday called for a more thorough investigation into the questioned flood control projects in Taguig…
The defense on Monday backed the move by senator-judges to exclude a prosecution witness who testified on the firearms…
Inihayag ng Malacanang na ikinatutuwa nito ang pagkaka-tanggal ng Pilipinas sa "gray list" ng Financial Action Task Force o FATF at sinabing magiging malaking tulong ito sa ekonomiya ng bansa maging sa mga kababayan natin na Overseas Filipino Workers (OFW).
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na makakahikayat ito ng mas maraming dayuhan na mamumuhunan na puwedeng makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino at magpapalakas ng ekonomiya sa bansa.
Ayon kay Bersamin, matagal na panahon din naapektuhan ang pagpunta ng mga foreign investor dahil sa hindi magandang imahe ng Pilipinas.
Dagdag pa niya, ang tagumpay na ito ay resulta ng mga reporma ng kasalukuyang administrasyon upang labanan ang money laundering at terorism financier sa bansa.
Pananatilihin naman ng Palasyo na ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagsunod sa mga pandaigdigang regulasyon upang mapanatili ang kaayusan.
Maging ang mga OFW ay makikinabang din dahil mas mura at mapapabilis ang pagpapadala ng pera.