
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

DAILY TRIBUNE JOINS HISTORIC COVENANT SIGNING AGAINST FAKE NEWS
Photo by KING RODRIGUEZ
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
PINANGUNAHAN ng Tri-Committee na binubuo ng Committees on Public Order, on Public Information, at on Information and Communications Technology (ICT) at sa paguutos ng Kamara ang pag-iimbestiga kaugnay sa talamak na pagkalat ng disinformation at fake news sa publiko.
Ngayong araw ginanap ang unang executive briefing na pangungunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez. Layunin ng isasagawang imbestigasyon na malaman at ilantad ang mga nasa likod ng massive disinformation machinery at posibleng epekto nito sa nakararami.
Ayon pa kay Fernandez, kailangang mapuksa agad ang malawakang pagpapakalat ng mga maling impormasyon para malinlang ang publiko, maaring magdulot daw ito ng kaguluhan sa lipunan at mga demokratikong proseso.
Umattend sa pagdinig ang mga representative mula sa pangunahing social media platforms upang ipaliwanag ang kanilang mga polisiya at ito ay hakbang sa paglaban sa fake news, cyberbullying, at mapanirang contents.
Tiniyak ni Fernandez na ang mga nagpapasimuno ng kasinungalingan at nagmamanipula ng impormasyon para sa sarili at political na interes ay dapat na panagutin sa batas.
Isasama din sa imbestigasyon ang panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong pilipino lalo na sa mga pangunahing biktima ng online harassment at cyberbullying at ito ay ang mga kabataan.
Nangako rin si Fernandez na magsasagawa ng agarang aksyon ang Kongreso laban sa mga nagpapakalat ng fake news. Bukod dito, hinimok din nya ang publiko na maging pamanuri sa mga impormasyong nababasa online at makiisa sa paglaban sa fake news.