Marcoleta, hindi pa maililipat sa kulungan dahil sa mga karamdaman

PHOTOGRAPH courtesy of Rodante Marcoleta/FB

PHOTOGRAPH courtesy of Rodante Marcoleta/FB
Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang masuring may degenerative disc disease, mild pneumonia, at stage 2 hypertension.
Dahil sa mga kondisyong ito, hindi pa siya maaaring ilipat sa kulungan habang hinihintay ang karagdagang pagsusuri at gamutan.
Ayon kay PNP hospital chief of internal medicine Lt. Col. Benaly Bayani, sasailalim si Marcoleta sa karagdagang mga pagsusuri at rehabilitation therapy habang patuloy na minomonitor ng mga doktor ang pabago-bagong presyon ng kanyang dugo.