PBBM, bantay-sarado kay 'Inday'



BAGUIO CITY — The Baguio City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) recorded more than 35 incidents…

Selected post offices across the National Capital Region (NCR) remained open Thursday to provide essential services…

Four men who identified themselves as former bodyguards of former Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co have executed…

Matapos mapanood ng publiko ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes,…

Vice President Sara Duterte skipped President Ferdinand Marcos Jr.'s fifth State of the Nation Address (SONA) on…
Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado ng Bagyong Inday, ayon sa isang opisyal ng Palasyo nitong Huwebes.
Ayon sa PAGASA, alas-3 ng hapon nitong Huwebes, ang sentro ng mata ng Bagyong "Inday" ay tinatayang nasa 940 kilometro sa silangan ng Hilagang Luzon. Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 175 km/h malapit sa gitna at pagbugsong hanggang 215 km/h.
Kumikilos ito pakanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 20 km/h. Samantala, patuloy na nakaaapekto ang Habagat sa Palawan, Visayas, at Mindanao.
Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, hiniling na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga shopping mall na pansamantalang buksan ang kanilang mga parking area para sa magdamagang paradahan sakaling lumala ang lagay ng panahon.