SUBSCRIBE NOW SUPPORT US

Upang hinirang

editorial
Published on

Dahil sa kawalan ng sariling bahay, maraming Pilipino ang kinakailangang umupa ng matitirahan. Kung ano ang diktang singil ng nagpapaupa, iyon ang kailangang bayaran ng nangungupahan.

Wala sanang problema ito kahit may kamahalan o kataasan subalit naniningil rin ang kasera ng deposito na katumbas ng halaga ng isa o dalawang buwang upa na sadyang mabigat at pabigat sa umuupa. Kailangan ring bayaran muna ang isang buwang upa bago makatira sa uupahan ang umuupa. Advance ang tawag sa kalakarang ito.

Kung ang upa ay sampung libong piso kada buwan, kailangang magbayad ang uupa ng P10,000 para sa unang buwan na pagtira sa uupahang bahay o kwarto at P10,000 o P20,000 para naman sa deposito na umano’y gagamitin ng kasera na pambayad sa kung anong sira ang tatamuin ng pinaupahang bahay o kwarto. Samakatuwid, trenta mil kaagad ang bubunuin ng mangungupahan para lang may matirahan sa isang buwan.

Talamak ang sistemang ito lalo na sa Metro Manila na may kamahalan ang pamumuhay kumpara sa probinsya.

Bagaman nagpalabas ang gobyerno ng regulasyon na pinapahintulutan ang mga nagpapaupa na taasan ang kanilang singil nang hindi hihigit sa 2.3 porsyento para sa upang tig-P10,000 kada buwan ngayong taon, walang regulasyon para sa deposito.

Maganda naman ang bagong regulasyon kumpara sa 4 porsyentong taas ng upa na pinayagan nitong 2024. Ngunit dahil nga naniningil ang mga kasera ng dagdag na isa o dalawang buwang upa, nawawalang ng saysay ang paglimita sa taas-upa.

Bakit hindi ipagbawal ng DHSUD ang paniningil ng deposito sa mga nangungupahan upang maging magaan ang bayarin ng mga walang sariling bahay? May batas bang nagpapahintulot sa mga kasera na maningil ng deposito? Kung wala, bakit sila naniningil nito?

May batas rin ba na advance ang pagbabayad ng unang buwan ng pagtira sa pinauupahan? Kung ang panunuluyan sa hotel ay binabayaran matapos ang pagtuloy at hindi bago tumuloy, hindi ba tama na bayaran rin ang upa matapos ang isang buwan tulad ng pagbabayad sa pagkonsumo ng kuryente at tubig?

Kung mandato ng DHSUD na maibsan ang kawalan ng tirahan ng mga mamamayan, dapat ring tugunan nito ang mataas na singil o hindi makatwirang paniningil ng upa sa mga paupahang bahay o kwarto.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph