
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

(File Photo) House Speaker Martin Romualdez
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na higit sa doble umano ang itataas ng arawang subsistence allowance ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng 2025 national budget.
Sinabi ito ni Romualdez nang bisitahin nito ang mga sundalo sa Naval Operating Base sa Subic, Zambales nitong Biyernes.
Ayon sa House Speaker, ang House of Representatives ay naglaan ng P15 billion package na magtataas ng higit sa doble mula sa kanilang P150 subsistence allowance sa P350.
Binigyang-diin ni Romualdez, deserved ng mga sundalo na taasan ang subsistence allowance ng mga sundalo lalo at hindi matatawaran nilang serbisyo sa bayan.
Dagdag pa niya, ang nasabing hakbang na taasan ang subsistence allowance ng mga sundalo ay isang matatag na commitment ng Kamara na tiyakin at pangalagaan ang kapakanan ng mga sundalo.
Sinabi rin ni Romualdez na obligasyon ng gobyerno na siguraduhin na sapat ang kakayahan ng militar para ipagtanggol ang ating bayan.
Giit pa niya, mahalaga ang kapakanan ng mga sundalo, dahil ang mga ito ang pinakamahalagang component ng ating national defense.
Samantala, muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang suporta nito sa AFP lalo na sa pagbibigay ng sapat na pondo para makatulong sa kanilang modernization program at maipatupad ang kanilang mandato na protektahan ang soberenya at dpensahan ang teritoryo ng bansa.
Pinasalamatan naman ni Speaker ang mga tauhan ng Philippine Navy sa pagiging “vanguards” ng Philippine Maritime Security.