SUBSCRIBE NOW

15 OFW mula Lebanon uuwi na

(FILE PHOTO) OFW
(FILE PHOTO) OFW
Published on

Inihayag ng Department of Migrant Workers nitong Martes na nakatada nang dumating sa bansa ngayong linggo ang kabuuang 15 Overseas Filipino Workers mula sa Lebanon.

Sinabi ng DMW na kung walang magiging problema, darating na sa Pilipinas ang 15 OFW pagsapit ng Oktobre 3.

Kung matatandaan, unang itinakda noong Setyembre 26 ang pagbabalik-bansa ng mga naturang mangagawa ngunit nagkaroon ng delay dahil sa suspension ng ilang mga flight.

Mula sa mahigit 11,000 OFW na kasalukuyang nasa Lebanon, mahigit 1,100 sa kanila na ang nagpahayag ng interest na makabalik sa bansa kasunod na rin ng lalo pang tumitinding kaguluhan sa pagitan ng Israeli Defense Forces at militanteng Hezbollah.

Mula noong October 2023 hanggang sa kalagitnaan ng Setyembre, mayroon nang 430 Pinoy ang nakabalik na sa Pilipinas.

Bawat isa sa kanila, ayon sa DMW ay nakatanggap ng tig-P75,000 pagdating nila sa Pilipinas.

Samantala, nagsagawa umano ng shadowing ang missile ship ng China sa barko ng Pilipinas habang nagsasagawa ng maritime patrols malapit sa First Thomas Shoal o Bulig Shoal sa West Philippine Sea noong nakalipas na linggo.

Ito naman ang unang pagkakataon na isang missile ship ng China ang nagsagawa ng shadowing sa civilian vessel ng Pilipinas.

Nangyari ang insidente habang patungo ang BRP Datu Romapenet ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Hasa-Hasa shoal noong Biyernes, Setyembre 27 para maghatid ng tulong at ibang food supplies para sa mga mangingisdang Pilipino na nasa lugar.

Maliban sa shadowing, tinutukan din ng missile ship ng China ang eroplano ng BFAR ng 3 beses habang nagsasagawa ng maritime patrols kasama ang civilian ship ng PH.

Ayon naman sa non-profit military association na US Naval Institue, kapansin-pansin ang naturang Houbei-class guided-missile craft mula sa People’s Liberation Army (PLAN) dahil sa blue camouflage paint scheme nito.

Sinabi din nito na kayang magsakay ng naturang Chinese missile ship ng hanggang 12 crew members at 8 anti-ship cruise missiles.

Sa panig naman ng National Maritime Council ng Pilipinas, sinabi ni spokesperson Undersecretary Alexander Lopez na ilegal ang presensiya ng Chinese missile ship sa naturang karagatan.

Saad pa ng opisyal na bagamat ito ang unang pagkakataon na hinabol ng Chinese missile ship ang civilian vessel ng Pilipinas, namataan na rin ito dati sa WPS.

Latest Stories

No stories found.
logo
Daily Tribune
tribune.net.ph