
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

JULIEN DE ROSA
What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Nakansela ang konsyerto ng Amerikanang mega-star na si Taylor Swift sa Vienna, Austria matapos arestuhin roon ang isang tagasuporta ng Islamic State na naugnay sa isang planong pag-atake sa palabas, ayon sat aga-organisa nitong Miyerkules.
Ang inarestong 19-anyos na hinihinalang tagasimpatya ng armadong grupo ay diumano’y nagbabala na mayroon siyang “focus” sa tatlong paparating na palabas ni Swift.
“Sa kumpirmasyon mula sa mga opisyal ng gobyerno ng isang nakaplanong pag-atake ng terorista sa Ernst Happel Stadium, wala kaming pagpipilian kundi kanselahin ang tatlong naka-iskedyul na palabas para sa kaligtasan ng lahat,” sabi ng Barracuda Music sa Instagram, ayon sa Agence France-Presse.
Idinagdag ng mga tagapag-ayos na ang lahat ng may hawak ng tiket ay makakatanggap ng mga refund. Humigit-kumulang 65,000 manonood ang inaasahan sa bawat palabas na naka-iskedyul para sa Huwebes, Biyernes at Sabado.
Ang lalaki, na nangako ng kanyang katapatan sa IS “sa mga nakaraang lingo,” ay nakakulong sa Lower Austria, sabi ng nangungunang security chief ng Austria na si Franz Ruf sa isang press conference.
Aniya, may nasabat na mga kemikal sa bahay ng 19-anyos.
Ang pangalawang tao na pinaniniwalaang nakipag-ugnayan sa suspek ay inaresto sa Vienna.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang dalawang suspek ay nag-radicalize sa kanilang sarili sa internet.
Nangako ang pulisya na palakasin ang mga hakbang sa seguridad, kabilang ang pag-deploy ng mga espesyal na yunit para sa mga konsyerto, habang pinaliit ang anumang konkretong panganib.