
Tatlumpu't limang (35) turista ang naiulat na na-stranded sa Batanes nitong Sabado matapos makansela ang mga flight…

Nanatiling naka-confine sa Philippine National Police General Hospital nitong Miyerkules ang inarestong si Senador…

Tennis star World No.32 Alexandra "Alex" Eala, uuwi ng bansa para sa fan meet kasama ang mga Pinoy na tagahanga.

Patuloy na binabantayan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa na apektado…

Bagama't parehong binigyan ng perpektong "10/10" na marka ng prosecution at defense panel ang kani-kanilang sarili para…

What's your take?
Google Preferred Sources
Get more Daily Tribune stories in your search results
Add Daily Tribune as a preferred source on Google Search.
Continue reading
Hindi lamang pala ang matinding init at usok ng mga sasakyan ang kalaban ng mga nagmamando ng trapiko sa EDSA, ang pinakaginagamit na kalsada sa Metro Manila. Napag-alaman sa isang pag-aaral ng mga mananaliksik ng Unibersidad ng Pilipinas na ang ingay ng mga sasakyan ay nakakaapekto rin sa kalusugan ng mga Metro Manila Development Authority traffic enforcers sa EDSA.
Sa pag-aaral ng National Institutes of Health ng UP-Manila, ang mga nasabing 108 traffic aide ay 25 porsyentong makararanas ng abnormalidad sa pagrinig dahil sa walong oras silang nakaririnig ng higit 85 decibel sa frequency na 2,000 hertz.
Ang 13 porsyento ng mga lumahok sa pag-aaral ay nakaranas ng matinding ingay habang nasa trabaho, kabilang ang 16 porsyento sa mga apektado na nakaranas ng katamtamang pagkabingi o bahagyang pagkabingi sa isang tainga, pahayag ni Dr. Kimberly Mae Ong, research assistant professor sa Philippine National Ear Institute.
Sinabi rin ni Ong na siya’y nagulat na walang proteksyon ang mga traffic enforcer ng MMDA habang sila’y nagtatrabaho.
Kinakailangang maturuan sa kalusugan sa pagdinig ang mga traffic enforcer sa kanilang pagsasanay, sabi ni Ong.
Sa isinagawang pag-aaral nila Ong, ang 108 MMDA traffic enforcer ay pinagsuot ng noise dosimeters upang sukatin ang lakas ng ingay na kanilang naririnig sa walong oras na pagtatrabaho.
Nirekomenda ni Ong na magkaroon ng regular na pagsusuri sa mga MMDA traffic enforcer at matukoy ang mga lugar kung saan mas peligroso para sa kanila upang ang lugar na iyon ay pagtuunan ng pansin para mapababa ang ingay.
Bukod sa mga traffic enforcer, kailangan ring maprotektahan ang mga naglilinis ng kalsada, mga naglalako sa bangketa at mga nagmamaneho ng sasakyan.
Maiging paigtingin ang paghuli sa mga nagmomotorsiklo na maingay ang tambutso at mga bumubusina ng madalas at todo.
Kung tutuusin, hindi lamang pagkabingi ang peligrong dala ng malakas na busina kundi altapresyon dahil ang pagkagulat dahil dito ay nakakanerbiyos. Maraming pasaway na tsuper ng bus, trak at iba pang sasakyan ang bumubusina ng malakas kung hindi umuusad ang daloy ng trapiko. Ang mga ganitong pag-uugali ay dapat masawata at sa paghuli sa kanila ay matuturuan sila ng leksyon na hindi nila malilimutan.